Episode 44 Tristan Deib Saffiro Nang makatanggap ako ng tawag mula sa Hacienda ay agad akong umalis. Hindi na nga ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko lalo na kay Ashley. Gudto ko pa naman siyang ayain para makapag-usap kami. Ang kaso ay tumawag si Ate Gina at si Grandma daw ay tinakbo sa hospital kaya naman dali-dali akong umalis. Habang nagmamaneho ako pauwi sa probinsya pilit kong pinapakalma ang sarili ko para makapagmaneho ako ng maayos. Hindi na rin nga ako nakauwi ng bahay dahil sa pagmamadali ko tatawagan ko na lang siguro si Mommy pag nandoon na ako. Nag-aalala ako para kay Grandma hindi rin sinabi ni Ate Gina kung napano siya kaya naman kinakabahan ako para sa kaniya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may mangyayaring masama kay Grandma. Hindi na rin kasi ako nakakap

