Episode 12

2256 Words
Episode 12 Ashley Buenaventura Isa akong simpleng dalaga na nakatira sa probinsya rito sa Tarlac. Lumaki ako na walang nasilayan na Ama. Sabi nga ng aking ina, pinagbubuntis pa lang daw niya ako nang pumanaw ang aking ama sa sakit sa puso.   Kaya naman mag-isa lang akong pinalaki ng aking ina. Hindi naman gano’n kahirap ang buhay namin, masasabi kong may kaya rin kami o nakakaraos sa pang-araw araw. Hindi lang nga kagaya ng mga mayayaman na tao. Na kayang bilin lahat ng gusto nila, at nakukuha nila lahat ng kagustuhan nila.   High school graduate lang ako, hindi kasi kaya ni Nanay na pag-aralin ako sa Kolehiyo lalo na at nagtatrabaho lamang siya kay Senyorita Clarita. Isa si Senyorita sa mayamang tao rito sa probinsya at siya ang may-ari ng Hacienda Saffiro.   Pinaka kilala ang Hacienda Saffiro rito sa probinsya dahil isa ito sa mga pinagkukunan ng produkto tulad ng mga gulay, prutas at iba pa. At napakabait ng may-ari ng Hacienda rito sa lugar namin.   Isa ako sa mga nagtatrabaho kay Senyorita Clarita, kaya sobra ang pagpapasalamat ko sa kanya, kasi isa rin siya sa tulong sa amin para makapag tapos ako ng high school kaya naman bilang pasasalamat tumutulong ako sa mga gawain sa Hacienda.   Kasi hindi na rin naman puwedeng magtrabaho si Nanay dahil may katandaan rin siya at may sakit. Kaya todo kayod din ako para mapagamot si Inay. Hindi kasi pa kasi sapat ang pinapadala sa amin ni Tita para sa pagpapagamot ni Inay kaya naman kailangan kong magtrabaho.   SABADO ngayon wala akong pasok sa isang karinderya na pinagtatrabahuan ko. Kaya naman naisip kung maligo sa batis, bago ako magpasyal kay Senyorita. Tamang-tama naman na mainit ang panahon at walang masyadong naliligo rito ngayon.   Kasalukuyan akong nagtatampisaw sa malamig na daloy ng tubig na nanggagaling sa talon.  Unti- unti ko ng tinanggal ang mga kasuotan ko. Tumingin muna ako sa kapaligiran at wala namang tao kaya tuluyan ko ng hinubad ang mga suot kong damit.   Ninanamnam ang masarap na daloy ng tubig sa aking katawan. Nakaka-fresh ang tubig. It is so relaxing and refreshing. Nagpatuloy lang ako sa pagliligo ng biglang may nakita akong lalaki sa hindi kalayuan na nakatingin sa dereksiyon ko. "Hoy mamboboso!" Bulyaw na sabi ko sa kanya, at tinatakpan ang kabuoan ko. "Ako ba tinatawag mong mamboboso?" maang-maangan na tanong ng estranghero na lalaki sa akin. "Oo ikaw nga, bastos ka!" sumbat ko na naman sa lalaki na papalapit sa akin. "Oops h’wag kang lalapit, sisigaw ako rito," sambit ko sa kanya nang unti-unti siyang humahakbang patungo sa kinaroroonan ko. "H’wag ka sabing lumapit e…TULONG! SAKLOLO! MAY RAPIST!" sigaw ko ng tuluyan na siyang makalapit sa akin. At tinakpan ang bibig ko. "Don’t shout! Nakakarindi ka" inis na sagot sa akin ng lalaki na mamboboso. Nagpupumiglas ako sa pagkakatakip niya ng kamay niya sa bibig ko. At hindi na tanggal ko ang kamay niya sa bibig ko at humarap sa kanya, ngunit ko namalayan na unti-unting dumudulas ang pagkakatapis sa akin ng towel ko kaya naman nagulat ako ng bigla itong nahulog at napatanga ang lalaki na nasa harap ko habang titig na titig na kabuoan ko.   Dali-dali kong pinulot ang tapis ko at binalot ang aking katawan. "Bastos! Manyak!" sigaw ko sa kanya at pinaghahampas ang lalaki. "Ang ingay mo! Ang sakit pa sa tenga ng boses mo!" naiinis na sabi niya sa akin. At pinakatignan ako. Bastos talaga tong mokong na 'to. "Bastos! Mamboboso!" sigaw ko sa kanya at pinaningkitan siya. "Hindi ako namboboso, at saka hindi naman ganun ka ganda ang hubog ng katawan para bosohan kita," saad niya at nakangisi pa ang loko. "Bastos ka talaga buwesit ka!" sigaw ko sa kanya at pinaghahampas ulit siya. "Aray tama na," sambit niya pero at pinagpatuloy ko pa rin ang paghampas sa kanya. Hindi ako agad nakabuwelo ng bigla niya hawakan ang dalawang kamay ko, at napatigil ako ng konting hibla na pang ang pagitan ng mga mukha namin. Ilang segundo kaming sa ganoong posisyon bago ako makabawi, at inapakan ko ang paa niya.   "Bastos!" sambit ko bago ko tuluyang iniwan mag-isa doon ang estranghero na lalaki na iyon. Kinuha ko ang mga damit ko at isinuot. Habang naglalakad ako hindi pa rin na tanggal ang inis ko sa buwesit na lalaki na iyon. Akala mo kung sinong gwapo. "Hoy bes!" Napatalon ako ng biglang may tumapik sa akin. At pag tingin ko ay ang aking matalik na kaibigan na si Jovilyn.   She is my one and only best friend. She has a long black hair, beautiful pair of brown eyes and she has a mole under her right eyes. She is my best friends since when we are young until now. Maganda siya at laging maasahan sa ano mang oras, at saka magkakapareho kami kaya naman madaling kaming magkasundo. "Bes naman h’wag kang nang gugulat, kung may sakit lang ako sa puso sigurado tigok na ako ngayon," sabi ko sa kanya. "Grabe siya o…ba’t ang asim ng pagmumukha mo?" tanong niya sa akin at talagang nakatitig pa sa akin ang loka. "E kasi may bastos na lalaki doon sa may batis, akala mo naman kung sinong gwapo," sagot ko sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumili at hinila ang kamay ko. Pero sa totoo lang napaka-gwapo ng misteryosong estrangherong lalaki na iyon. Napakatikas ng hubog ng katawan niya, at kung tutuosin ay biniyayaan siya ng kagwapuhan.  "Bes ano ba saan mo ako dadalin?" tanong ko sa kanya habang hawak pa rin niya ang kamay ko. "Babalikan natin yung gwapo na sinasabi mo bes," saad niya sa akin habang hinihila ako. "Ano! Ayoko nga bes," wika ko at hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Bes ano ka ba ito na ang chance mo para makapag jowa," sambit niya. "Hindi naman ako naghahanap ng jowa. At saka ayoko sa bastos," inis na sabi ko sa kanya. "Ano ba ginawa sayo?" takang tanong niya sa akin. "Binosohan ako habang naliligo sa batis, tapos ang sabi pa hindi daw namboboso. At saka hindi naman daw kagandahan ang hubog ng katawan ko," mahabang saad ko sa kanya. Habang nakanguso pa sa kanya. "Aba loko pala iyon ha!" inis niyang sabi, at hinila na naman ako pabalik sa batis. Nagpatianod na lang ako sa kanya. At ng makarating kami sa batis wala na roon ang estranghero na nambubuso sa akin kanina.   "Asan na iyon bes?" tanong niya sa akin "Hindi ko alam bes iniwan ko na lang diyan kanina, halika na nga umuwi na tayo wala tayong mapapala rito," sagot ko sa kanya at ako naman ngayon ang humila sa kanya pauwi sa bahay.   Hanggang sa makauwi ako sa bahay naiinis pa rin ako sa lalaki na iyon. Akala mo naman kung sinong kagwapuhan, kung makapanglait sa akin sobra. Humanda ka sa akin ang lalaki na iyon pag nagkita kami ulit. Nagbanlaw na ako ng aking katawan at nagbihis na rin. Kailangan ko pang pumunta sa Hacienda para tumulong kila Nanay. May darating daw kasing bisita si Senyorita kaya naman abala rin si Nanay doon.   Pants na itim at puting tshirt lang ang suot ko. At inilugay ko ang mahaba kong buhok, kaunting polbo lang ang nilagay ko sa aking mukha. At saka na ako lumabas ng bahay at ni-locked ito.   Hindi naman kalayuan ang Hacienda rito sa bahay namin kaya naman, naglakad na lang ako habang naglalakad ako ay maraming bumabati sa akin. Hindi naman sa pag mamayabang may angking kagandahan naman ako, marami ang nagkakagusto sa akin ang kaso sinasabihan ko sila na wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay. Kaya naman bandang huli ay nagiging kaibigan ko na lang sila. Palibhasa ay may lahing Koreano ang aking ama.   Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko namalayan na nasa tapat na akong ng Hacienda. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob at dumiretso sa kusina para tignan si nanay.   Nang makarating ako sa kusina binati naman ako ng iba pang mga kasambahay roon at nilapitan ko si nanay at nagmano.   "Oh anak nandiyan ka na pala anak, halika at tulungan mo kong maghain nito sa lamesa para makakain na ang bisita ni Senyorita," saad ni Inay at kinuha ko na ang dala-dala niyang mga plato.   "Ako na ho diyan Nay," sabi ko at inayos na ang lahat ng aayusin sa hapag kainan. At hinanda ko na rin ang iba pang kakailanganin. Saktong patapos na ako ng makita ko si Senyorita na papalapit sa kinaroroonan ko. "Oh hija nandiyan ka pala," sabi niya na may napakalapad na ngiti sa kanyang mga labi. "Opo, Magandang Araw po Senyorita," sambit ko na sinuklian din ang kanyang ngiti. Napalapit na rin kasi ako kay Senyorita at gusto niya lagi akong narito sa Hacienda para raw may nakakausap siya. Lagi niya akong hinahanap kay Inay pag hindi ako nakakapasyal dito dahil sa trabaho ko sa karenderya. Kaya naman pag minsan dinadalaw ko siya, at kinukwentuhan pag napapasyal ako rito.   Mag-isa lang kasi rito sa Hacienda si Senyorita, nasa Maynila ang kanyang mga anak. Kaya wala siyang ibang makausap, siguro ay gusto niya ang laging may nakakausap lalo na ay may katandaan na rin siya.   Pagpumapasyal ako mag-isa sa Hacienda lagi niyang kinukwento sa akin yung isa sa mga  apo niya na naninirahan sa Maynila. Laging iyon ang bukang bibig ni Senyorita siguro dahil paborito niya iyon sa mga apo niya kaya lagi niyang naaalala.   "Ashley hija ipapakilala kita mamaya sa apo ko," masayang sambit ni Senyorita sa akin. "Gano’n po ba, sige po," masayang sambit ko gusto ko rin kasing makilala ang apo ni Senyorita. Base kasi sa kuwento nito mabait ang apo niya at pala kaibigan.   Pinaupo ko na si Senyorita sa kanyang upuan at hinahinan ko na rin siya. "Anak pakibili mo muna ito para sa lulutuin na meryenda mamaya," sabi ni Nanay at inabot sa akin ang listahan ng mga kakailanganin mamaya para sa meryenda.   "Sige po nay, akin na po para po mabili ko na," sambit ko at kinuha na ang isang papel kung saan na sulat ang lahat ng mga bibilin ko. "Maiwan ko na muna po kayo," saad ko kay Nanay at Senyorita. "Sige ingat ka hija," sabi ni Senyorita. At tuluyan ko na silang iniwan at lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ay pumara ako ng tricycle para ihatid ako papunta sa palengke. Malayo kasi ang palengke rito kaya kailangan pang sumakay para makarating doon.   Pagdating ko sa palengke agad kong hinanap ang mga nakalista para agad din akong nakabalik sa Hacienda at baka kasi matagalan ako rito sa dami ng mga namimili.   Iniisa-isa ko na lahat ng sangkap na kakailanganin. Inabot ako ng mga kalahating oras bago ko nabili lahat ng pinapabili sa akin ni Nanay. At ng matapos ay pumara ako ng tricycle pabalik sa Hacienda. At para mailuto na rin ang meryenda mga alas dos na rin kasi ng hapon. Hindi naman nagtagal ay nakabalik na ako sa Hacienda. Inabot ko na kay Manong yung bayad at pumasok na.   Inabutan ko si nanay na inihahanda na ang ibang sangkap na naroon. "Nay heto na po yung mga pinapabili niyo," sabi ko at ibinaba ang mga pinamili ko. "Buti naman at dumating ka agad anak," sambit ni Nanay habang abala sa paglalapat ng malagkit na bigas. "Ano po bang lulutuin niyo?" tanong ko habang nilalabas sa pagkakasupot ang mga pinamili ko. "Palitaw sa Latik anak, hindi pa raw kasi nakakatikim ng gano’n ang apo ni Senyorita," sagot naman ni Nanay. "Ah gano’n po ba nay ako na po dyan," sabi ko at lumapit sa kanya para ipagpatuloy ang ginagawa niya. "Mabuti pa nga anak at ako naman ay aasikasuhin pa yung gata na gagamitin para dyan," sagot naman ni Nanay at iniwan ako sa kusina. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko, konti na lang naman ito kaya madali ko lang natapos. Nang biglang lumapit sa akin si ate Gina. "Hoy Ashley nakita mo na yung apo ni Senyorita?" tanong sa akin ni ate Gina. "Hindi pa nga ate e...pero ipapakilala daw sa akin ni Senyorita," saad ko sa kanya. "Grabe ang gwapo niya Ashley, at bagay na bagay kayo" nangingiti- ngiting sabi niya. "H’wag ka ngang magbiro dyan ate, o siya na ibibigay ko na kay Nanay ito para mailuto na," wika ko at naglakad na papunta kay Nanay. "Hala ka bagay nga kayo maganda ka naman ah," habol na sigaw niya pa sa akin ng tuluyan ko na siyang iwan doon.   Hay wala talagang magawa iyon si ate Gina lagi na lang akong nirereto at hinahanapan ng boyfriend. Excited pa sa akin na magkajowa ako. Sakto naman na inuumpisan ng lutuin ni Nanay ang meryenda kaya naman pinanuod ko siya habang nagluluto.   Kalahating oras din ang lumipas at natapos din. Nilagay ko na sa isang malaking mangkok, at inilagay sa lamesa. Pinasabi ko na rin kay ate Gina na luto na ang meryenda kaya naman agad din na bumaba si Senyorita.   Abala ako sa pag-aayos ng mesa. "Ashley," tawag sa akin ni Senyorita. "Ano po iyon Senyorita?" sabi ko sa kanya. " Ipapakilala kita sa apo ko," saad ng matandang babae at may tinawag sa likuran ko. "Ashley ito pala ang apo ko si Tristan," sambit ni Senyorita. At ng makita ko ang mukha ng lalaki na nasa harap ko ay gano’n na lang ang gulat ko. "IKAW!" sabayan naming pagbigkas ng lalaki na nasa harap ko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD