Episode 10

2276 Words
Episode 10 Tristan Deib Saffiro Nagpatuloy lang ang inuman namin, hanggang sa kusa na kaming sumuko sa sobrang kalasingan. Hindi na nakauwi ang mga tukmol kong kaibigan kaya naman dito kaming lahat natulog sa kwarto ko. Hindi na rin kasi nila kinayang tumayo at lumipat sa guest room.                                                                                                                        Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko, minulat ko ang aking mga at hindi ko na nakita pa sila Aden. Siguro umalis na yung mga iyon. Ang dami naming nainom kagabi, at buti nga malinis na rito sa kwarto ko.   Tumayo na ako para magtungo sa banyo at maligo. Kalahating oras lang ang lumipas ay natapos din ako, at itinungo ang closet ko para kumuha ng maisu-suot na damit.   Simpleng boxer short lang at sando ang sinuot ko. Ditto lang naman ako sa bahay, at wala naman akong ganang gumala.   Bumaba na ako para sana mag-almusal ng makasalubong ko si mommy. “Oh anak, are you okay?” tanong sa akin ni mommy na may pag-aalala sa kanyang mukha. Siguro nalaman na rin niya ang pag-alis ni Natalia.   “Yeah mom,” sagot ko sa kanya sa walang buhay na boses.  Gusto ko nang mawala si Natalia sa isip ko. Pero eto na naman laging binabanggit ang pangalan niya.   Naglakad na ako patungo sa dining area para mag-almusal. Kahit wala akong ganang kumain ay pinilit ko pa rin. Para makainom din ako nang gamot para mawala ang hang-over ko.   Pagkatapos ko ay umakyat na rin ako sa kwarto ko. Humiga ulit ako sa kama ko. Wala akong alam na ibang gawin, kaya naman nagmukmok lang ako sa kwarto.   Mabilis lumipas ang araw, at mag-iisang linggo na rin simula ng iwan ako ni Natalia. Lagi lang akong nagmumukmok sa bahay, minsan naman ay nagpapakalugmok sa alak. Hindi ko lang kasi mapigilan ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing sumasagi sa isip ko ang ginawa niya.     At ngayon heto ako nagpapakalasing na naman sa alak. Wala na ata akong ginawa sa buong linggo kung hindi uminom ng uminom ng alak.   Lagi ako pinagsasabihan ni mommy pero binabale wala ko lang lahat nang yun. Hindi ko siya pinapakinggan kaya naman siguro nagsawa na siya sa kakasermon sa akin. Umiinom lang akong mag-isa rito sa bar counter namin sa bahay. Nang bigla na lang dumating si mommy.   “Anak tama na yan,” sabi niya sa akin at pilit na kinukuha ang hawak kong bote nang alak. Akala ko nagsawa na sa kakasermon sa akin si mommy, hindi pa pala. “Mom okay lang ako, gusto ko lang maglasing at makalimot,” saad ko sa kanya at tinungga ang alak na hawak ko. “Ano ba Tristan?! Napapabayaan mo na ang sarili mo,” sabi ni mommy sa naiinis na tono. “Kaya ko ang sarili ko mom, don’t worry,” sagot ko. Wala akong pakialam kung ano ang mangyari sa akin. Iniwan ako ng babaeng mahal ko. Kaya wala na rin naman ng saysay ang buhay ko. Pinakatitigan lang ako ni mommy ng ilang segudo at umalis na rin sa kinaroroonan ko. Mabuti pa nga sigurong mamatay na lang ako, ganoon din naman wala na ang babaeng nagbibigay buhay sa akin.   Tumayo ako sa kinauupuan ko, at nagtungo sa garahe para kunin ang sasakyan ko. Kailangan kung mapag-isa at makalimutan ang p*tanginang nararadaman ko sa kanya.   Pagkasakay ko sa kotse ko ay binuhay ko na ang makina, at pinaharurot ito sa kung saan. Marami ang pumasok sa isip ko habang nagda-drive ako, at sa sobrang bilis nang pagmamaneho ko ay hindi ko napansin ang paparating na truck sa may intersection.   Nabalik na lang ako sa wisyo, at nawala ang pagkalasing ko. Dali-dali kong kinabid ang manibela pero huli na ang lahat nabunggo ako sa kasunod na kotse. Marami ang taong nagsidatingan, at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Dahil tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.   NAGISING na lang ako sa sakit ng aking ulo, at pagmulat ng aking mata nasa isang kwarto ako. Kulay puti ang kabuoang kulay ng kwarto mapa kurtina man ito at ang buong paligid nito, at ani mo’y amoy ospital.   Nang makita ako ni mommy, ay kaagad niya naman niya akong nilapitan. Puno ng pag-alala ang kanyang mukha. “How are you son?” sambit ni mommy, na nangangamba ang mukha at tila mo ay parang galing lang sa pag-iyak ang kanyang mga mata. “Where am I?” tanong ko kay mommy. “Nasa ospital ka anak, okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Teka lang at tatawagin ko ang doctor.” Sabi ni mommy at agad na lumabas para i-balita sa doctor na nagising na ako.   Ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas ang pinto ng kwartong inuukupahan ko. At niluwa doon ang si mommy at ang doctor na susuri sa akin.   “Kamusta Mr. Saffiro? I’m Dr. Cruz, may nararamdaman ka bang kakaiba?” tanong sa akin ni Dr. Cruz. “I’m fine. Medyo sumasakit lang ang ulo ko,” sagot ko naman sa kanya. Sumasakit kasing konti ang ulo ko. I can also feel the aching left arms of mine. “Ganyan talaga Mr. Saffiro, you got some minor injury at your left arms, but worry not because thankfully it was not very serious. Reresetahan na lang kita ng mga gamot mo, at buti na lang hindi malakas ang impact ng pagkabunggo mo kaya sugat lang ang natamo mo. Pwede ka ng lumabas mamaya, pero as much as you can refrain doing heavy works and have enough rest,” sabi sa akin ni Dr. Cruz. “Sige Doc. Thank you,” pasalamat ko sa kanya bago siya lumabas ng kwarto. Tinignan ko naman si mommy mukhang naginhawahan na siya, ng marinig niya ang sinabi ni Dr, Cruz. “Salamat sa Diyos walang masamang nangyari sa iyo anak,” sabi ni mommy habang nakatayo malapit sa kama na kinahihigaan ko. Sabay kaming napatingin ni mommy sa pinto, ng bigla na lang itong bumukas. At pumasok ang tatlong ugok kong kaibigan. Naparang pagod na pagod ang mga itsura.   “F*ck you ka bro, pinag-alala mo kami,” bungad na sabi ni Ajus. “Oo nga tngina ka akala namin patay ka na,” at biglang napabaling ng tingin si Ajus at Drake kay mommy. “Hi Tita,”  bati ng mga gago kay mommy, ng makita nila ito na nakaupo sa sofa. Fuck those lunatics!  They don’t stop their mouth for saying bad words in front of my parent. Mga gago talaga. “Ayos ka na ba?” sambit ni Aden, at lumapit sa akin. “Yeah, pwede na rin daw akong makalabas mamaya,” sagot ko naman kay Aden. Eto lang ata ang matinong kausap sa mga kaibigan ko pag minsan, pero pag minsan topakin din.   Kinamusta lang nila ako, at tinanung kung ano ang nangyari.  Hanggang kung paano ako na-aksidente, kaya naman nagalit sa akin ang mga tukmol. At iyon puro sermon ang natamo ko sa kanila. Even we are lunatics we all concern for each other.   Hindi pa rin umalis ang mga kaibigan ko, at hinintay nilang sumapit ang hapon. Tinulungan nila kami ni mommy. At pagkatapos ay hinatid kami sa mansion. Pagdating namin sa bahay ay nagkanya-kanya na sila ng paalam may mga aasikasuhin pa daw ang mga tukmol.   Umakyat na ako sa kwarto para magpahinga na muna. Hindi naman ganun ka grabe ang mga sugat na natamo ko sa aksidente nagkagasgas lang ako sa braso at noo. Kaya naman kaya kong kumilos mag-isa.   Pagkapasok sa kwarto ko, humiga ako sa kama ko. I’m tired bulalas ko ng tuluyan ng lumapat ang likod ko sa malambot na kama.   What I am doing to myself, to do not think about everything?  Why she’s always in my mind even she left me. I am not enough to be her priority? My heart is aching in so much pain, of the thought that she never comeback for me.   Sana madali lang makalimot, yung madali mo lang makalimutan ang sakit na dulot niya, yung sakit na iniwan ka niya sa napakababaw na dahilan. Minahal niya ba talaga ako? Tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko.   Nagawa ko pang tapusin ang buhay ko, para lang bumalik siya. I’m such a stupid!  Tawa na lang ako sa kawalan ng maalala ko ang ginawa kong katangahan dahil lang sa sasakit na pinaramdam niya.   I need to forget her, she never comeback and I don’t need her in my life. But my heart did not agree on what my mind wants. Because until now she will be the one who beat my heart.   Sa dami ng iniisip ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naalingpungatan lang ako ng pumasok si mommy sa kwarto ko.   “Son, bumaba ka na magdi-dinner na tayo,” saad ni mommy sa malumanay na tono. “Yes mom, susunod na lang po ako,” sagot ko sa kanya. At tuluyan ng nagtungo sa pinto at lumabas ng kwarto.   Tumayo na ako at pumasok sa banyo para mgshower saglit. At pagkatapos kong magbihis ay bumaba na rin ako. Nadatnan ko si mommy na nakaupo na sa harap ng hapag kainan kaya um-upo na rin ako.   Kaming dalawa lang ni mommy ang nasa bahay ngayon at pati na rin ang mga maids. Out of town kasi si daddy para sa business kaya madalas kami lagi ni mommy ang magkasama.   Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng magsalita si mommy. “Anak tumawag ako sa lola mo sa Hacienda, at nabalitaan niya rin ang nangyari sa iyo,” saad ni mommy na nakatingin sa akin. “Ayos lang naman ako mom, pakisabi na lang kay grandma she don’t need to worry about me,” sagot ko kay mommy. Alam kong nag-aalala na niyan sa grandma sa probinsya lalo na’t ako ang pnakapaborito niyang apo sa amin. At ako lang kasi ang hindi takot sa kanya kaya malapit kami.   Hindi kasi masyadong malapit sa kanya ang iba naming kamag-anak at ilan sa mga pinsan ko. Natatakot daw kasi sila masyado daw kasing strikto  kaya ayon ako lang ang may lakas ng loob na maglambing sa kanya.   Napabalikwas ako ng upo at napatigil sa pag-iisip ng magsalita si mommy. “Dahil ba kay Natalia, kaya ka nagkakaganyan?” tanong sa akin ni mommy. “Mom ayaw ko siyang pag-usapan,” pag-iwas ko sa tanong niya. Kung hindi lang sana ako iniwan hindi sana ako ganito sana masaya kami. Ayaw mo ng ipakita kay mommy na nagiging miserable ako. “Okay, pero nakausap ko na ang lola mo. Magbabakasyon ka muna doon sa kanya para makapag-isip ka,” sabi ni mommy na ikinagulat ko. “Ayos na ako mom, hindi ko na kailangan mag-isip at pumunta sa pobinsya. Makakalimutan ko din siya,”  wika k okay mommy na patuloy lang sa pagsubo. “Anak kailangan mong makapag-isip at namimiss ka na daw ng lola mo kaya pagbigyan mo na lang siya,” sambit ni mommy sa akin. “Okay mom may choice pa ba ako,” sabi ko sa kanya at nginitian niya ako. Alam niya kasing hindi ko matitiis si Grandma lola na pag iyon ang nagsabi. “Bukas na rin ang alis mo kaya naman pinaayos ko na yung mga damit na dadalhin mo, at ipapasundo ka rin ng lola mo” sabi ni mommy hindi na ko nagulat doon. “Okay mom,” yun na lang ang naisagot k okay mommy. Hay walana talagang atrasan ‘to. Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na rin ako kay mommy na aakyat na ako sa kwarto ko. Gusto ko na rin kasing magpahinga parang sayad na sayad ang katawan ko ngayon sa dami ng nangyari. I need to rest.  Pagkahiga ko sa kama ko, napaisip ako. Siguro ito na yung tamang panahon para sarili ko muna ang unahin ko. Para rin makalimot ako tama si mommy para makapag-isip din ako doon.   Hindi ko namanlayan na unti-unti na akong nilalamon ng antok. Nakatulog ako ng hindi ko alam. Kinabukasan ginising ako ni mommy, kailangan ko na daw maghanda kasi paparating na daw ang sundo ko. Kaya naman kahit ayaw ko pang tumayo napilitan akong bumango, at maligo.   Hindi ko pa nasabi sa mga kaibigan ko na aalis ako, puro busy kasi sila. At ako eto kailangan ko muna ng break at saka na lang ako maghahanap ng trabaho. Yes I am already graduated, I am now professional Pilot.  Lahat kami tapos na. Si Ajus ayon nasa military, si Drake naman fuckboy pa rin pero isa ng Detective at nagbabalak magpatayo ng sarili niyang company, at si Aden namin isa ng Chef at sa kanya na pinapa-manage yung restaurant nila. Wala pa akong balak magtrabaho, kailangan ko munang magpahinga at mag unwind. Nagpunta na ako ng banyo para maligo. Ilang minuto lang ay lumabas na rin ako ng banyo. Nagtungo ako sa closet ko, at kumuha ng isang tshirt at pants. Hindi naman kailangan magsuot ng magarang damit, probinsya naman ang pupuntahan ko kaya iyon ang napili kong suotin. At katapos kong magbihis bumaba na ako nasa sala na in naman kasi ang mga gamit ko.   Sakto naman ang pagdating ng sundo ko kaya naman. Hinatid na ng mga maids ang gamit ko sa sasakyan. Nilapitan ko naman si mommy para magpaalam. “Mom pagtinanong ako nila Aden pakisabi na lang na sa probinsya ako. Hindi na ako makakapagpaalam sa kanila e. at saka alam naman na nilang puntahan ang Hacienda,” paalala k okay mommy, baka kasi pasyalan ako dito sa bahay ng mga mokong. “Okay anak, ingat ka ro’n,” sabi ni mommy. “Yes mom, bye,” sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Niyakap niya naman ako, pagakatapos ay bumitaw na rin siya sa pagkakayakap, at naglakad na ako patungong kotse at sumakay na.                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD