Prologue
"Oy tol bilis!" Sigaw sakin ni Melandro dahil tumunog na ang bell sa eskuwelahan. Binilisan ko ang pagpadyak sa pedal para mahabol ko ang nauunang kaibigan ko.
"GUAAARRDD!" sigaw ni Melandro nang muntik siyang sarhan ng gate nito.
"Alas otso y medya na oh."
"Anong alas otso y medya guard, kakabell palang oh." Sagot pa ni Melan, tumawa naman ito sa sinagot ng kaibigan ko.
"Ayay ka guard, honesty is the best policy pa naman." Panggagatong ko pa, nagbibiruan lang kami dahil tropa naman na namin yung guard.
"Honest kaba, Hernandez?"
"Naman," nakangisi pang sabi ko.
"Guard, bukas na. Ano? Magchichismisan nalang ba tayo dito?" Maangas na sambit ni Melan, napaalikik naman ako at nakangising binatokan naman ni guard ang kaibigan ko. Binuksan na niya yung gate at diretso namang pumasok si Melan na parang wala siyang poging kaibigang kasama.
"Una na kami, guard!" Sumaludo pa ko dito na sumaludo din naman pabalik.
Natanaw ko na sa scool ground si Melan, siraulo talaga. Dire-diretso akong nagbibisekleta nang bigla nalang may dalawang babaeng dumaan sa harapan ko, sumipol ako pero hindi man lang sila lumingon. WALANG BELL YUNG BISEKLETA KOOO!
"Tabeeee!" isang braso nalang ang pagitan ng layo namin nang dahan dahan niya kong lingonin. Wala man lang bakas na pagkabigla sa mukha niya.
"Kierstine!" Natauhan nalang ulit ako nang biglang sumigaw ang katabi niyang babae, natapon pa neto ang hawak niyang brown envelope para lang hilahin palapit sa kanya ang babae, agad akong lumiko para hindi siya masaktan at nagpagewang gewang naman ang bisekleta ko, sinubokan kong ibalanse ang pagmamaneho ngunit huli na nang sumemplang ako.
"Ah!" sigaw ko nang maramdaman kong humapdi ang tuhod ko.
"Okay ka lang?" Tanong nung babaeng medyo may edad na do'n sa babaeng muntik ko nang mabangga kanina, nakatingin siya sa akin pero bahagya din siyang lumingon do'n sa nagtanong para tanguan.
Binalik ko nalang ang tingin ko sa tuhod ko para hipan ang mga maliliit na bato na dumikit dito.
"Ikaw, ayos ka lang?" Napatingala ako at nakita ko siyang diretso lang na nakatingin sa akin. Napaawang ang bibig ko nang muli ko na naman siyang napagmasdan, nakasuot siya ng kulay-del-carmen na polo at maong, sapatos niya'y converse pero ang lakas pa din ng dating niya sa simpleng suot niyang yun.
Yumuko siya para itayo ang bisekleta ko nang di ko siya sagutin, itinayo niya ang stand ng bisekleta at muling tumingin sa akin. Naglahad siya ng kamay at bahagyang tinanguan ako, senyales na tanggapin ko yun, agad kong inabot ang kamay niya pero natigilan ako nang tinitigan niya lang ako ng may pagtataka, nakaramdam ako ng pagkailang sa titig niyang yun. Tumingin siya sa kaliwang banda niya at napasinghap.
Anong trip neto? Muli niyang binalik ang tingin niya sa'kin at tsaka ako hinila patayo, nagpahatak na din naman ako dahil baka bumagsak pa siya sa'kin kapag nagmatigas pa ako, napaka petite niya pa naman.
"S-salamat." Nag-aalinlangang sabi ko dahil sa katunayan ay ako pa ang na-dehado sa ginawa kong pag iwas sa kanya kanina. Tinanguan niya lang ako, muli siyang yumuko at may kinuha sa sahig na nasa bandang likuran ko at nakita ko doon ang brown envelope. Pinagpagan niya ang dumi dito at tsaka tumingin sa akin, inangat niya ng bahagya ang envelope at doon ko napagtantong pinapakuha niya pala iyon at hindi ang tulungan ako ang pakay niya, walangya.
"Tara." Yaya sakanya ng kasama niya, ngumiti siya ng kaunti na halatang may pagkasaliwang tingin sa akin, umalis na din sila sa harapan ko at naiwan ako doong nakatunganga, gago nakakahiya.
"Hoy inutil!" Kasalukuyan ko nang hinahanap ang linya ng section namin nang bigla nalang may sumigaw sa bandang kanan at nakita ko si Melan na kasama na ang iba pa naming kaklase, agad akong tumakbo patungo sa direksiyon nila.
"Siraulo ka, iniwan mo ko!"
"Ano ka, bata?!" Pinanlakihan pako ng mata ng siraulo, nakatingala naman sa'kin dahil sa liit niya.
"Oo, pero mas maliit ka." Sagot ko pa.
"Hala Melan, payag ka no'n? Pandak ka daw." Panggagatong pa ni Joshua.
"Uy, wala akong sinabing pandak ha!" Natatawang depensa ko pa.
"Walang personalan, part." Napapakamot sa ulong sabi niya pa, natatawang inapiran ko naman siya at masama ang hitsurang tinanggap niya naman yun.
"Shh! Boys at the back." Paninita pa ni ma'am, napalingon naman ang taga-kabilang section sa amin banda, nagle-lead na kase ng prayer para sa flag ceremony. Nagsikuhan at naghagikhikan naman kami.
"Shh, sabing tumahimik eh." Sabay sabay na nanita ang mga kaklase naming babae na nasa tabi namin, dalawang hilera kase bawat section, nasa kaliwang banda ang mga babae, habang kami ay nasa kanan.
"Mga alagad." Binatokan ko naman si Melan sa sinabi niyang yun. "Ma'am oh!" Pinanlisikan naman ako ng mata ni ma'am Beth kaya naman nagpipigil ng tawang yumuko nalang ako, nakangising nilingon naman ako ni Melan, nang-aasar. Tarantado.
"Nakita mo yung bagong transferee?" Rinig kong bulong ni Sheena, kalagitnaan ng prayer, na nasa bandang tabi ko.
"Asan?" Tanong naman ni Naomi kay Shenna, pinakamatalino sa section namin.
"Ayun oh." Pasimple kong tinignan kung saang direksiyon siya nakaturo para makita ko ang tinutukoy niya dahil usisero ako, oo. May tinuro siya sa bandang kanan ko kaya lumingon ako doon.
Nakita ko yung dalawang babaeng nakasalubong ko kanina, hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong muli siyang titigan, nakatingin lang siya sa harap ng stage pero parang ang lalim naman ng iniisip niya.
"Ang pambansang awit ng Pilipinas." Rinig kong sabi sa harapan pagkatapos ng opening prayer, nagsikilos paharap ng bahagya sa amin ang mga estudyante dahil malapit sa amin ang flagpole.
Nagkatinginan sila ng kasama niya tsaka humarap sa amin banda, nilagay niya ang kanang kamay niya sa dibdib niya nang bigla siyang tumingin sa akin, hindi ko na naman alam ang gagawin ko dahil sa titig niyang yun. Iiwas na sana ako ng tingin ng bigla nalang kumurba ang labi niya, napakurap ako ng ilang beses ng mapagtantong nginitian niya ako.
'Hindi ako nag-iilusyon, nginitian niya ako! Hindi yung pilit na ngiti, hindi yung peke, hindi saliwa na ngiti, kundi ngiti talaga na ngiti. Yung ngiti na nakakabighani.'
Hindi naman sa assuming ako pero sigurado akong kanina pa nila ako tinitignan dahil bukod sa naka-civilian lang ako ay ako lang din ang pinakabata dito sa puwesto namin ni tita, mga parents and guardians kase ang kasama namin, may mga dalaga naman pero mga nakapambahay kase ang mga ito kaya baka mga nursemaid lang din sila na naghatid ng estudyanteng nag-aaral dito. Mukhang may idea na silang transferee ako.
"Ang pambansang awit ng Pilipinas." Sabi ng nasa stage, humarap ang iilan sa flagpole kaya naman sumunod nalang din kami ni tita, ngunit may iilan na nasa akin pa din ang tingin, pero binalewala ko nalang din sila.
Nilagay ko na ang kanang kamay ko sa dibdib ko at napatitig nalang sa kawalan, saktong tumama yun sa estudyanteng napakalinis tignan. Nakatingin siya sa estudyanteng nakaharang sa kanya, nakanguso siya at parang inoobserbahan niya ang estudyanteng tinitignan niya, ang cute niya tignan.
Umayos na siya ng tindig nang bigla niyang mahuling nakatingin ako sa kanya, nag-alinlangan siyang ngumiti pero maganda ang naging resulta kaya naman nginitian ko siya pabalik para siguraduhing hindi siya mapahiya, maingat ko namang inalis ang tingin sa kanya at itinuon nalang ang paningin sa unti-unting umaangat na Philippine flag.
"Sobrang thank you talaga, Beth."
"Ano ka ba, wala yun. Para naman makahabol yung pamangkin mo this school year di'ba," tumingin pa siya sa akin para ngumiti kaya naman ngumiti na din ako ng pilit. "Bakit nga pala late kayong nagpa-enroll?" Nagkatinginan kami ni tita at umiwas din naman ako agad ng tingin, senyales na siya na ang sumagot. Nagsisimula na kase ang klase, bago nakapag-decide si papa na pag-aralin ako dito.
Tumingin ako sa paligid ng silid, bagong mga mukha na naman ang makakasalamuha, nakakasawa pero wala naman na akong magagawa.
"Nag-aalinlangan kase si Francis dahil baka lumipat na naman sila ng bahay, yun din ang dahilan kaya tumigil itong pamangkin ko last year kase wala silang permanenteng matirhan." Maingat na pagkuwekuwento ni tita, ayaw banggitin ang buong detalye.
"Sayang naman," nalulungkot na sambit niya.
"Oo nga eh, pero ayos lang yan. Kayang kaya naman humabol nitong pamangkin ko eh, may dugong Torres yan syempre." Ngumiti naman ako ng bahagya sa sinabi ni tita.
"Aba oo naman, makakahabol yan." Nakangiti na ring paninigurado ng bago kong adviser. "Andito naba yung good moral certificate niya?" Tukoy niya sa inabot na brown envelope ni tita, tumango naman kami ni tita.
Nagpaalam na din sa akin si tita bago tuluyang lumabas ng silid, saktong nag-bell na at mukhang magsisimula na nga ang first period.
"Halika." Tumayo si teacher mula sa pagkakaupo niya sa teacher's table na nakapuwesto malapit sa pinto, nasa likuran ito ng mga estudyante, naglakad siya patungo sa harap kung nasaan ang blackboard. Sumunod lang din ako sa kanya pero huminto na ako sa gilid ng blackboard samantalang siya ay nagpatuloy sa gitna. "Okay class, meet your new classmate." Bumaling naman ang tingin sa akin ng lahat, kaya naman medyo na-conscious ako. Sinenyasan ako ng teacher na lumapit. "Kindly introduce yourself."
"Hi. My name is Kierstine Ann Torres, 15 years old." Awkward akong nagpilit ng ngiti pagkatapos ang tipid na introduction.
"Welcome to Grade 8 charity, 'wag kang mahihiya dito. Friendly yang mga yan, mabilis mong makakasundo." Kampante namang sabi niya. "Doon ka nalang sa tabi ni Braynelle maupo, matalino yan pangalan palang. Hindi nga lang nagpapakopya." Natawa naman ang mga estudyanteng kabilang sa bandang itinuro ni ma'am, nasa pangatlong column sila at nasa likuran.
"Grabe ma'am ha." Parang tropa lang ang kausap na sabi nung Braymelle ata, natawa naman ang iilan.
"Oh bakit, nagpapakopya kaba Braynelle?" Naka-cross arms pang sabi ni ma'am.
"Hindi ma'am, madamot yan eh!" Sigaw pa nung nakaupo sa harapan nung Braynelle kaya naman mabilis niyang nabatokan ito.
"Aba sumasapaw, Braynelle ka?" Muling umugong ang tawanan sa classroom.
"Oh, tama na yan. Go ahead, Kierstine." Nakangiting sabi ng teacher ko, naglakad naman ako patungo doon sa itinuro niyang puwesto. "By, the, way, hindi naman ba malabo ang mata mo?" Umiling lang ako sa kanya at tinanguan niya nalang ako. Nginitian ako ng mga nakaupo sa column na yun, kaya tipid ang ngiti na lang din ang binalik ko.
Tuluyan na nga akong umupo sa tabi ni Braynelle, naka-focus ang paningin niya sa notebook niya na ikinagaan naman ng loob ko, ayoko muna ng interactions dahil medyo naiilang pa ako.
"Excuse me, ma'am Beth." Narinig naming may kumatok sa pinto kaya naman nabaling ang tingin ng lahat doon, may medyo matanda na ding babaeng nakatayo doon na may suot na uniform na katulad ng kay teacher.
"Excuse me lang." Paalam ni teacher at naglakad papunta doon sa pintoan kung nasaan ang isa pang teacher. Saktong pagkalabas ni teacher ay nilingon ako agad ng babaeng nakaupo sa harapan ko.
"Ano nga ulit yung pangalan mo?" Tanong niya, nagsipaglapitan naman ang iilan na mga estudyante na nasa kabilang column para makinig.
"Kierstine." Simpleng sagot ko.
"Ha? Ano daw?" Rinig kong bulong ng nasa ikaapat na column na nasa parehong row lang namin ni Braynelle.
"Kristine, bungol!" Agad akong napalingon sa nagsabi no'n.
"Nakakarindi, Josh!" Singhal pa ni Braynelle pabalik sa kanya na nagdo-drawing pala sa notebook niya, nasa right side niya kase ito ngayon nakatayo. Buti nalang at nasa kaliwang side ako ni Braynelle nakaupo, kung hindi baka nasiko ko na yung Josh
"Kiers-tine." Pagtatama ko pa, nakatingin ng diretso doon sa nag-iisang taong nakaupo sa dulo ng fourth column, nasa magkaparehong row lang kami kaya sigurado akong siya yung nagtanong kanina. Nagulat pa siya sa ginawa kong paglingon sa kanya, sinadya kong manakot sa boses ko at mukha namang umepekto kaya tagumpay ang plano. Binalin ko ang tingin doon sa nagsagot ng tanong niya dahil siya naman talaga ang target ko.
"Oh tamo, ikaw naman pala yung bungol." Sabi pa ng babaeng nakaupo sa harap ni Braynelle.
"Ahh, CURSE tin." Nagtawanan ang iba sa isinagot na naman ni Josh.
"Ano daw?" Rinig kong tanong mula sa bandang kaliwa ko. "Curstine as in curse na sumpa?" Napalingon na naman ako sa kaliwa para tignan kung sino yun, pero may nakaharang na lalaki kaya hindi ko siya makita.
"K-I-E-R-S-T..." malakas na pagkaka-spell ko habang humihilig sa table ko para masilip kung sino yun. "i-n... e." Unti-unting humina iyon nang makita ko ulit yung babaeng nakita ko kanina sa ground. Maamo ang mukha niya at mukhang curious talaga siya, hindi kagaya ng lalaking nasa tabi ni Braynelle na mukhang nang-aasar pa.
"Hala sorry, naoffend ba kita?" Nag-aalalang sabi niya. Ang cute niyang tignan dahil napaka-expressive ng mga mata niya.
"No, klinaklaro ko lang." Agad akong ngumiti dahil baka ma misinterpret niya yun, kahit yun naman talaga yung gusto kong maramdaman niya kanina. Pero dahil kita naman sa mukha niyang na-curious nga naman talaga siya ay nakaramdam ako ng pagkahiya dahil masiyado akong nagpadala sa inis kahit nagtatanong lang naman siya.
"Kierstine, bakit ang tanda mo na?" Tanong ulit ng babaeng nasa harapan ko, nakanguso siya at bakas din ang curiousity sa pagmumukha niya pero ang nakakainis ay yung tawanan na naman ng ibang lalaki lalo na yung gunggong na kanina pa nang-aasar sakin, kalbo naman.
"I mean-- ilang taon kana ulit?"
"Fifteen."
"Tumigil ka ba?" tanong naman ng katabi niya.
"Oo." Tipid na namang sagot ko, ayokong pag-usapan.
"Hala, bakit naman?" Medyo nalungkot pa ang boses na tanong ng nasa harapan ko, hindi ko magawang magalit sa kanila nung babae kanina kase parang ang soft lang nila tignan.
"Belle, tama na sa tanong. Masiyado nang personal." Sabi naman ng nasa tabi ko which is thankful ako dahil wala akong balak sagutin ang tanong na yun. "Pero si Keith din di'ba?" Nilingon niya pa ang lalaking nasa dulo ng fourth column. "Ilang taon kana ulit, Keith?"
"Ha? Fifteen din." Nagkakape ba siya? Ba't parang ang niyerbyoso niya?
"Bakit ka nagstop?" Tanong ko naman sa kanya. Tumingin pa siya sa ibang kaklase namin nang ibalin nila ang atensyon sa kanya. "Mind if I ask." Binalik niya sa akin ang tingin tsaka ngumisi, mukhang kalmado na.
"Ah, hindi ako tumigil." Sabi niya pa. "6 ako nagsimulang mag-aral kaya bale delayed ako." Nakakausap naman pala ng maayos.
"Ang sabihin mo, bobo ka lang!" Kantyaw na naman ng kalbo, siraulo pala talaga siya. Ako ang napikon sa inasta niya pero buti nalang at tumawa lang si Keith kase kung ako yun, baka nasapok ko na siya.
"Mas bobo ka, grade 8 kana di ka parin marunong mag-abakada." Nakaramdam ako ng kaginhawaan nang sagutin siya ni Keith, dapat lang. Saktong bumalik na si ma'am kaya naman nagsipagbalikan na sila sa mga puwesto nila.
"May aasikasuhin lang ako class ha, minimize your voice nalang muna."
"Yes!"
"Yun oh!"
"Oh oh, I said minimize your voice." Seryosong sabi ni ma'am, tumahimik naman ang lahat. "Torres," inangat ko ang tingin ko nang banggitin ni teacher ang apelyido ko.
"Yes, teacher?" Umugong ang katahimikan sa loob ng classroom, nagbulungan pa ang iba habang si teacher ay natulala pa sa naging sagot ko sa kanya bago siya ngumiti.
"Ma'am Beth nalang," nakangiting sabi niya. Nakaramdam naman ako ng hiya nang ma-realize ko kung anong sinabi ko, bagong school na nga pala.
"Ah.. Nasanay lang po sa dating school ko." Nginitian lang niya ako.
"Okay lang," gumaan naman ang loob ko sa ngiti niyang yun. "anyway, ipapa-distribute ko nalang kay Naomi yung mga books mo ha." Tumango nalang ako bilang sagot, inalis na niya ang tingin niya sa akin. "Naomi," nilingon naman siya ng babaeng nakaupo malapit sa teacher's table kung saan siya naroroon.
So your name is Naomi...
"Po?"
"Paki-distribute nalang kay Kierstine yung mga libro ha, andiyan sa harapan, may gagawin lang ako." Tumango naman si Naomi at tsaka tumayo papunta doon sa harapan, tinanguan naman ako ni ma'am senyales na sundan ko nalang siya. Nakaramdam ako ng kaba sa hindi malamang dahilan.
"E-excuse me lang." Paalam ko sa mga katabi kong nag-uusap usap na, tinanguan lang ako ng tatlo na nakapalibot sa akin kaya naman tumayo na ako at naglakad patungo sa harapan, nakaupo siya sa sarili niyang hita dahil nakalatag sa sahig ang mga libro na kasalukuyan niyang tinitignan.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman hindi ako mapakali habang nakatayo ako, para pa akong nakapusan ng hininga nang bigla niya akong tignan, tatlong segundo bago siya ngumiti. "Wait lang ah." Ngumiti ako ng tipid bilang sagot, yumuko siya ulit para kunin ang mga libro, nakahati na ang mga ito sa pito kaya naman madali nalang kunin bawat subject.
Nilapag niya sa harap niya ang bawat librong kinukuha niya na may iba't ibang pamagat ng subject, nang matapos siya ay inalsa niya ito pero nabigatan siya kaya naman nabagsak niya ito ulit.
"Sorry hahaha," natawa pa sa sariling sabi niya. Napangiti naman ako. "ang bigat kase eh."
"Tulungan na kita." Alok ko sa kanya.
"Mm." Tumatangong sabi niya sa naging offer ko, yumuko naman ako at inabot niya naman sa akin ang kalahati ng libro. Ilang pagitan nalang ang mukha namin nang iabot niya sa akin ang mga libro, ang ganda niya sa malapitan, naramdaman ko pa ang malamig at malambot niyang kamay mula sa ilalim ng libro nang hawakan ko din ito.
Unti-unti niya akong tinignan sa mga mata ko at para siyang drawing na nakulayan sa mga oras na iyon, napakaamo ng mukha niya, kaya ko siyang titigan buong araw at hindi ako magsasawa.
"Thank you." Wala sa katinuang sabi ko, nanlambot lalo ang puso ko nang bigla nalang siyang ngumiti sa akin ng pagkatamis-tamis.
"You're welcome." Natigilan ako at pinagmasdan siya, bumitaw na siya mula sa pagkakahawak at binitbit ang naiwang mga libro, tumayo at naglakad patungo kung saan banda ang upoan ko, sinundan ko siya ng tingin sapagka't hindi 'ko mapigilang siya ay aking lingonin.
Habang naglalakad siya ay hindi ko maiwasang tignan siya mula ulo hanggang paa, straight ang buhok at hanggang bewang ang haba nito, may blue na hairpin na naka ipit sa gilid ng kanyang buhok, mala-smart girl ang pormahan, napakalinis niyang tignan, parang yung tipong madalas na nakakatanggap ng neat and clean award sa eskuwelahan, tipong hindi umaabsent at perfect attendance.
Kinausap pa siya ng iba pa naming kaklase at nakangiti niya namang kinausap ang mga ito, minsan pa ay natatawa siya, napaka-smiley ang sarap pagmasdan. Kahit nalalagpasan na niya ang iba pa naming kaklase ay sinusundan padin siya ng tingin ng mga ito, darling of the crowd..
Ako ay napasinghap bago umiwas ng tingin nang hindi na tama ang bilis ng t***k ng aking damdamin.
'Babae ka Kierstine, umayos ka.' Bulong ko sa sarili bago pa tuluyang mahulog sa bangin.