Nitidus’ POV Hindi ko lubos maisip na nagawa ni lolo ang lahat ng iyon sa mga magulang ko. Nangilid ang luha ko kasabay ng galit na mas naramdaman ko matapos lahat ng katotohanang narinig ko. Ibig sabihin ay wala talagang kasalanan si Acutus sa akin. Napakatanga ko at nagpalinlang ako sa hayop na matandang ito. Kailangan kong maitakas si Acutus bago pa mahuli ang lahat. Kailangan kong bumawi sa laki ng kasalanan ko. Ipaghihiganti ko ang pamilya ko. Ipaghihiganti ko ang mga magulang ko. Matapos ang diskusyon kagabi ay mabilis na lumisan si Adamas, at Pecunia pabalik sa kanilang silid. Hindi ko na maatim na tawagin pa siyang lolo pero kailangan kong magpanggap para manatili kaming buhay ni Acutus gaya ng bilin niya sa akin. Nang makabalik ako sa aking silid nang gabing iyon ay ha

