Nitidus' POV Hatinggabi na subalit gising na gising pa rin ako at hindi makatulog. Hanggang ngayon kasi ay hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Nagmula kami ni Acutus sa magkalabang angkan at ang pinakamasakit ay ang katotohanang pinagpaplanuhan niya pala akong paslangin. Hindi ko inakalang hahantong ang lahat sa amin ng ganito. Sa kabilang banda ay may kung ano sa puso ko ang nagpapagulo ng sitwasyon. Ang mga salitang binitawan niya ay hindi mawala-wala sa isip ko. Napapaisip tuloy ako kung dapat na ba akong umatras sa mga plano namin ni lolo o dapat pa rin naming ituloy. Mahal ko si Acutus at kahit ayokong maniwalang mahal niya rin ako ay bagay na hindi matanggap ng puso ko. Narardaman ko kasing sinsero ang pagtatapat niya ng pag-ibig sa akin pero bakit naman niya ako pag-iisipan p

