CHAPTER 68

1268 Words

"Cres, saan ka na naman nagpunta?" tanong ni Immitis sa kaniya ngunit himbis na sagutin ay diretso lang siyang naglakad at pumasok sa bakanteng silid. Isinara niya ang pinto nito at doon napaupo na lang sa likod ng pintuan. "Cres, ano bang nangyayari sa iyo?" Naririnig niya pa ang pagkatok ni Immitis mula sa labas ngunit hindi niya iyon pinansin bagkus ay niyakap na lang niya ang sarling mga binti. "Hayaan mo na muna ang kapatid mo. Marahil ay hindi pa siya handang sabihin sa atin ang lahat," wika ni Lux kung kaya minabuti na lang ni Immitis na iwan muna ang kapatid. "Stella..." Hindi na napigilan ni Cres na pakawalan ang mga luhang pilit niyang itinago dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman. Hindi niya man nais na aminin dito ang lahat subalit hindi niya rin kayang makitang nasasaktan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD