Nitidus’ POV Kaagad akong tumakbo palapit kay Acutus at pakiramdam ko sa unang pagkakataon ay muli akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib. Hindi ko alam ngunit naguguluhan na ako. Nagbabago ang aking nararamdaman at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na alam kung tama pa ba ang desisyon kong lumayo sa kaniya? Hindi ko na alam ang tama at mali ngunit sa huli ay isa lang ang alam ko, mahal ko siya at mananatiling siya lang ang itinitibok ng puso ko. “Acutus, ayos ka lang ba?” Kita ko ang pagkabigla sa kaniya. Hinawakan niya ako sa braso at ramdam na ramdam ko ang panginginig niya. Hindi ko alam ngunit kusang gumalaw ang mga braso ko para ikulong siya sa aking mga bisig. Ang kwintas ng Tractatio na siyang nagbibigay ng kasiyahan sa akin, tama bang manatili itong akin? Noong unan

