“ANONG SABI MO?!” gulat na gulat si Immitis nang makita ang kapatid matapos nitong ipabatid na sumama si Acutus kay Nitidus pabalik ng Stamen. “Kasalanan ko kung bakit naroon siya ngayon. Ginawa niya iyon para sa kapakanan ko,” sabi ni Cres habang nananatiling nakaupo sa isang bakanteng upuan at nakayuko. Lumapit naman si Immitis dito at hinawakan ang balikat nito. “Ano bang sinasabi mong kasalanan mo? Kagustuhan niya iyon. Walang dapat na sisihin sa naging desisyon niya. Oo nga at pinrotektahan ka niya ngunit naniniwala akong may iba pa siyang dahilan kung bakit sumama siya pabalik ng Stamen,” paliwanag niya. Alam niyang labis na nag-aalala ang kaniyang kapatid at ayaw niya na itong masaktan pa dahil sa masamang isipin nito. “Marahil kaya siya nagdesisyong sumama ay dahil

