Nagpasya sila Lux, Immitis, at Cres na maglakbay hanggang sa kung saang lugar sila dalhin ng kanilang paglalakbay. Sakay ng tig-iisang kamelyo ay tinahak nila ang madisyertong bayan ng Harenae. Walang kahit na ano roon, tanging mga buhangin ng disyerto lamang ang makikita at madadaanan nila maliban sa isang maliit na oasis. Tumigil sila roon upang panandaliang magpahinga at upang makakuha na rin ng maiinom pagkatapos ay kaagad rin silang umalis upang ituloy ang kanilang paglalakbay. Sa una ay inakala nilang madali lang ang magiging paglalakbay nila subalit inabot na sila ng dalawang araw ay tila hindi pa rin nila nalalampasan ang Harenae. "Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na makakatanggap ng ganoong trabaho si Gaza," sabi ni Immitis. Dinukot nito ang puerorum sa bulsa ng k

