“Cres, matanong ko lang, kaya mo rin bang gumawa ng ulan?” tanong ni Immitis habang kasalukuyang nakaupo sa loob ng kubol. Dahil nawala na ng tuluyan ang kanilang kamelyo ay nagpasya sila Immitis na magpahinga muna saglit sa Harenae upang nakakuha ng sapat na tulog. Halos dalawang araw na rin kasi silang walang tulog at pahinga sap ag-aakalang maliit lang ang bayan na ito subalit nagkamali sila ng pag-aakala. “Hindi. Nakokontrol ko lamang ang tubig kung mayroong presensya ng tubig sa paligid,” sagot nito. “Kung ganoon, ano lang ang kaya mong gawin bukod sa pagkontrol sa apoy at sa hangin kanina?” pangungulit niya sa kapatid. Tumahimik naman ito at tila nag-iisip. Si Lux naman ay naroon lang at nakatingin habang naghihintay ng isasagot ni Cres. “Ang kuryente, kaya ko rin

