“Ginoong Lux, hanggang kailan ba natin kailangang lakarin ang malawak na disyertong ito?” tanong ni Immitis kay Lux nang tumigil ito sa paglalakad dahil sa labis na pagod. “Nauuhaw na ako.” Huminto rin sila Lux at Cres sa paglalakd habang tinatanaw ang malawak na disyerto. “Mukhang matatagalan pa tayo rito. Wala pa akong nakikitang kahit na anong gusali sa paligid,” sagot nito. Lumapit naman si Cres kay Immitis at inabot ang sisidlan nito ng tubig. “Immitis, eto sa’yo na ito.” Tiningnan naman ni Immitis ang hawak ng kapatid at lumunok nang makaramdam ng panunuyo sa lalamunan. “Sigurado ka ba?” “Oo naman.” Ngumiti si Cres sa kaniya at sinipat ang kalangitan. Medyo makulimlim ang araw na iyon kumpara sa karaniwan. Kadalasan kasi ay tirik ang araw kung kaya dama an

