CHAPTER 71

1309 Words

"Immitis..." bulong ni Cres na abot naman sa pandinig ni Immitis. "Bakit?" tanong kaagad nito. "Tingin mo ba ay tama ang naging desisyon natin na lumayo na kina Acutus?" panimula nito. Sandali siyang napatigil sa ginagawa at saka ipinagpatuloy itong muli. "Cres, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo? Ayoko nang magkaroon pa ng kahit na anong kaugnayan sa kanila lalo na kay Acutus." "Pero magkaibigan kayo hindi ba? Bakit kailangan mong talikuran ang kaibigan mo?" Alam niyang naguguluhan ito sa mga nangyayari subalit alam niya ring ito lang ang tanging paraan para manatili silang ligtas na magkapatid. "Napapagod din ako, Cres. Isa pa ayokong dumating pa sa puntong isa sa atin ang kailangang magbuwis ng buhay dahil lang sa pakikipaglaban sa problemang hindi naman dapat natin pinoproblema,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD