Ilang araw ang lumipas sa paglalakbay nila Lux, Immitis at Cres upang hanapin ang iba pang yaman na pagmamay-ari ng mga Sugatzu subalit bigo sila na matunton ang kahit na isa sa mga ito. Ang kwintas ng Tractatio lamang ang tanging sigurado sila sa kinaroroonan. "Ginoong Lux, ano na? Mayroon ba talaga tayong hinahanap?" iritang tanong ni Immitis pagkaraan ay sumalampak ng upo sa batuhan. Bumuntong-hininga si Lux dahil sa labis na pagod. Maging siya kasi ay nawawalan na rin ng pag-asa na makikita pa ang hinahanap nila. "Kung tutuusin ay hindi naman natin kailangang magpakahirap na hanapin ang kayamanang hindi naman natin pag-aari. Ano ba ang mapapala natin sa oras na makita na natin ang mga ito?" Alam ni Lux na may punto ang nais nito subalit alam niya ring ginagawa nila ito upang tulunga

