"So--phia..." Hindi makapaniwala si Lux habang pinagmamasdan ang babae na kasalukuyang nasa kaniyang harapan. Lumapit siya rito at hinaplos ang pisngi nito. "Hindi nga ako nagkakamali. Ikaw nga. Buhay ka. Nahahawakan kita. Ikaw nga." Hindi niya alam kung paano ipaparamdam ang labis na tuwa kaya mabilis niya itong niyakap habang lumuluha sa labis na pananabik at galak. Nagkatinginan na lang sila Cres at Immitis sa reaksyong nakita nila mula kay Lux. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na maging ganoon siya kasaya at iyon din ang unang pagkakataon na makita nila ang babaeng naging parte ng buhay ni Lux. "Lux..." Hinawakan din nito ang kaniyang pisngi kasabay ng pagtulo ng mga luha nito. "Kay tagal kong nanabik na makita kang muli. Hindi sumagi ni minsan sa isip ko na magtatagpo pa an

