"Ginoong Lux, hindi ba ako namamalik mata?" Kinusut-kusot pa ni Immitis ang kaniyang mga mata upang kumpirmahing totoo ang nakikita niya. "Nakikita mo ba iyon?" Turo niya sa isang imahe na tila lumulutang sa hindi kalayuan. "Isa ba yang exspiravit?" tanong nito pabalik sa kaniya. "Hindi ko rin sigurado pero parang ganoon na nga." Titig na titig silang tatlo sa imaheng nasa hindi kalayuan ang unti-unting nabuo at naging tao. "G-Ginoong Lux..." Nanginginig pa siya habang hinihila si Lux sa damit nito. "Tu-tumingin siya rito," sabi naman ni Lux. Nagulat na lang silang dalawa nang lumapit si Cres dito at nakipag-usap. Hindi naman nila magawang lapitan ito dahil sa takot kung kaya hindi rin nila alam kung anong pinag-uusapan ng mga ito. Matapos ang ilang sandali ay lumapit na ito pabalik

