“Isang mapa…” bulong ni Immitis na abot naman sa pandinig ni Lux. “Oo. Ang tanong ay kung ano ang nakatago sa mapang ito?” Tiningnan ni Lux si Immitis at tila nahinuha niya naman ang nais sabihin ng huli. “Posible kayang ang mapang ito ang magtuturo sa atin sa mahahalagang alahas?” “Marahil ay ganoon na nga, Ginoong Lux,” tugon ni Immitis. “Ngunit nakapagtataka dahil ang isa sa mga marka ay nasa Stamen gayong hindi n’yo naman doon natagpuan ang kwintas tama ba?” tanong nito. Naguguluhan pa rin kasi siya sa ayos ng mapa lalo na at tila wala sa ayos ang mga markang naroon. Hinawakan niya ang kaniyang magkabilang sintido gamit ang kaniyang hinlalaki at hintuturo kapagkuwan ay minasahe ito. “Ginoong Lux, tingnan mo. Ang isa sa mga marka ay gumagalaw.” Tinuro naman ni Immiti

