Pansamantalang nanatili sina Immitis at Lux sa bayan ng Praespero upang doon pansamantalang magpahinga habang kasalukuyang nagpapagaling ng mga natamong pinsala si Lux. Dahil na rin sa mga baong pagkain na dala-dala ni Immitis kung kaya hindi na sila namomroblema ng kakainin sa araw-araw. Tahimik lang na natutulog si Immitis nang mga oras na iyon habang si Lux naman at nagbabasa lang ng libro. “Kung nabubuhay lang ngayon si Sophia ay tiyak kong matutuwa siyang makilala ka,” sabi niya matapos lingunin ang natutulog na si Immitis pagkaraan ay ngumiti. Halos ilang taon na rin ang lumipas mula nang pumanaw ang kaniyang nobyang si Sophia. Hanggang nang mga oras na iyon ay hindi niya pa rin matanggap ang kinahinatnan ng pagkawala nito sa kaniya. Araw-araw pa rin niyang pinagluluksa ang p

