Kasalukuyang nasa dalampasigan ng Insula Astra sila Immitis at Lux habang hinihintay ang hatinggabi. Mas naging alerto na sila hindi kagaya nang tunguhin nila ang daan patungo rito. Gaya ng nauna nilang ginawa ay hinintay lang nila sa loob ng kubol ang pag-angat ng lupa at dumaan doon pabalik ng kabilang pook. Sakto naman din at walang mga fera avem na namamahinga noong mga oras na iyon kung kaya’t mabilis lang silang nakabalik sa lugar. Nang marating na nila ang kabilang isda ay kaagad na tinawag ni Immitis si Volant gamit ang kaniyang plawta. Sumakay sila rito at muling bumalik sa bayan ng Misericordia upang doon ay pansamantalang mamahinga at mag-ipon ng mga sapat na gamit, damit at pagkain para sa kanilang paglalakbay. “Immitis, napapansin ko lang, plawta ang ginagamit mong pagtawa

