ARIES “HIWALAYAN MO SIYA,” maawtoridad na utos ni Tito. Nandito kaming dalawa sa office ni Tito sa totoong bahay ko. Ang bahay na naiwan sa akin ng magulang ko. Pinauwi niya ako kanina dahil gusto niya akong maka-usap. At iyon ang rason kung bakit nandito ako. Alam ko naman na tungkol sa pakikipagrelasyon ko sa may asawa ang gusto niyang pag-usapan naming dalawa. Hindi ko naman siya masisisi roon dahil tumatayo siyang ama ko. Kaya may karapatan naman siguro siyang mangialam sa buhay ko. Pero gaya nang sinabi ko, paninindigan ko itong relasyon na pinasok ko. Ginusto ko ito kaya ipaglalaban ko. “Hindi ko magagawa iyan, Tito. Mahal ko si Matilda,” matapang na sagot ko. “Aries,” kalmadong sambit niya. Tumayo na ako sa kinauupuan ko. ”Kung iyan lang pag-uusapan natin, Tito. Mauna na ako.”

