SAGITTARIUS HINDI AKO MAKAPAGSALITA nang marinig ko ang sinabi ni Aa. Tama ba iyong narinig ko? Ano ang ibig niyang sabihin doon? Dahan-dahan na akong bumuwag mula sa pagyakap sa kanya para tingnan siya. Alam kong alam niya ang ibig sabihin ng titig ko, na gusto ko ng kasugutan sa mga katanungan na bumabagabag dito sa isipan ko. Nalilito ako. Yumuko si Aqua, humagulgol. Hinihimas pa niya ang sariling dibdib para kumalma. Natataranta na siya. “A,” sambit ko. Nilingon niya na ako. Makikita sa kanyang mga mata na nasasaktan siya. Bilang nagmamahal sa kanya, nasasaktan ako na makita siyang ganito. “A,” muling sambit ko. “Ako iyon. Ako iyong babae sa bar. Ako iyong babaeng matapos mong galawin ay sinampal at sinakal. Ako iyong babaeng muntikan ng mawalan ng hininga dahil sa galit mo.” Pi

