AQUARIUS HINDING-HINDI AKO magkakamali. Si Aries ang lalaking nasa larawan na ipinadala ng kababata ni Rius sa kanya. Likuran iyon ng kaibigan namin. Maaaring tama nga si Madam sa kanyang sinabi noong isang araw. Simula pa noong first year college pa lang kami ni Aries, magkaklase na kami. Kaibigan din siya ng kasintahan ko kaya alam ko na kahit paano ang pangangatawan niya. Kahit din naman si Rius ay napagkamalan nitong si Aries iyon. Ang pinagkaibahan nga lang namin dalawa, malabo nitong paniwalaan iyon. Dahil ang alam nito, takot si Aries sa ina nito. Again, maaaring tama nga si Madam sa nakita nito sa restaurant. Kailangan itong malaman ni Taurus para aware siya. Kailangan ko rin ng tulong niya. Hindi ko ito kaya. Mabigat ang isyu na ito na sangkot ang mga kaibigan namin—sina Aries

