42

1777 Words

ARIES “ARIES!” SIGAW NI Gemini. Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya. Tinitigan ko lang siya habang walang tigil sa pagtulo ang luha sa aking mga mata. Hindi lang ako makapaniwala sa narinig ko mula sa ama ni Rius. Bakit sinabi nitong anak niya ako? Anak ako ni Daddy Richard! Si Daddy Richard ang ama ko! Hindi ko ama ang ama ni Rius. Ni wala akong naramdaman nang lumuhod siya sa harapan ko. Ganoon naman dapat iyon, hindi ba? Pagdating ni Gemini sa tapat ko, niyakap niya ako. Sa sitwasyon ko ngayon, siya ang taong pinakakailangan ko. Sa lahat ng mga kaibigan ko, siya lang iyong tao na inuuwaan ako. Hindi niya ako hinuhusgahan. Pinakikinggan niya ako. “G-Gem,” sambit ko. “Halika. Mag-usap tayo. Nandito lang ako,” sabi ni Gem. “Salamat,” tanging salita na nasagot ko sa kaibiga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD