AQUARIUS “RAI, OKAY NA ba si Tita?” tanong ko. “Yeah. She already woke up. Iyon nga lang si Aries pa ang mas kinausap. Naawa lang ako Dad,” sagot ng mahal ko. “Mukhang mahal niya na talaga si Aries.” “Sinabi mo pa. Siya na nga iyong nasaksak, siya pa iyong nag-aalala sa kaibigan natin.” “Pero naiintindihan ko ang galit ni Tita kay Tito. Niloko siya nito noon kaya nahihirapan siyang kalimutan ang lahat. Alam mo kasi, once mabasak ang salamin. Kahit dikit-dikitin mo iyan muli, hindi mo maitatanggi ang katotohanan na basag na ito. Maaaring ikaw ang dahilan kung bakit nanatili pa si Tita sa inyo. Alam mo naman kung gaano ka niya kamahal, ’di ba? Kaya niyang gawin ang lahat para sa iyo,” mahabang litanya ko. Gusto ko lang na maintindihan niya kung saan galing ang galit ni Tita sa ama niya

