“Mama, overtime ako sa office ngayon. Huwag na ninyo po akong hintayin ni Papa. Goodnight!” Iyon ang sabi ko sa text ko kay Mama pero ang totoo, I was going to be with Sebastian all night. Hindi pa alam ni Mama at Papa ang tungkol kay Sebastian, except kay Line na dakilang tsismosa tungkol sa love life ko. Ang plano ko sana, ipapakilala ko na lang kapag sigurado na ako sa aming dalawa. I believe I was no longer a kid para magpaka-inosente pa sa ganito. Tama si Mama noon, I should desire to have a partner in life pero hindi ko naman inaasahan na ganito kahirap ang pagdadaanan ko. I was always fooled. But there was Sebastian who was still trying his best to win my heart. Sumama ako sa kaniya sa tinutuluyan niya rito sa Pilipinas dahil inimbitahan niya akong manood ng movie na bagong la

