Tiningnan ko si Sebastian sa aking tabi na nakatingala sa may counter at abala sa pamimili sa kung anong kape ang bibilhin. Si Sebastian ay tatlong linggo nang nanliligaw sa akin. Simula noong natuto akong tumanggap ng lalaki sa buhay ko, hindi ko na ito naiwasan kahit panay kabiguan ang dala nila. If I wouldn’t take a risk, baka nga tumanda na lang akong dalaga. So far, pangatlo pa lang naman si Sebastian. Sana wala nang dumagdag pa. Hay. “Sebastian Latte, please,” natatawa kong sabi. “Alright. Sebastian Lat—oh wait!” Tiningnan niya ako nang may ngisi sa kaniyang mga labi. “When did I become Latte, Attorney Silvallana?” Napatakip ako sa aking mukha dala ng hiya dahil sa ginawa kong birong iyon. Napatingin kasi sa amin iyong crew na kaharap namin sa counter makaraang marinig nila ang

