Chapter 46

878 Words

Monday. The worst enemy of working adults. Pagmulat ko pa lamang ng mga mata ay agad ko nang naramdaman ang pagod kahit kakagising ko pa lang. Nakaharap ako ngayon sa kisame habang pinapakinggan ang maingay na electric fan sa aking kuwarto. Mainit. Malagkit sa pakiramdam. At higit sa lahat, ayoko pang bumangon. “Calli!” sigaw ni Mama mula sa ibaba. “Male-late ka na naman!” Napapikit ako. Lawyer nga pala ako. May trabaho. Leche. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama saka hinawi ang buhok kong nagkalat sa aking mukha. Kinuha ko ang cellphone sa gilid ng unan ko at nakita ang oras. 7:12 AM. “Punyemas.” Halos mapatalon ako pababa ng kama. Agad akong naghanda ng aking mga damit na susuotin. Mabilis ko iyong pinadaanan ng plantsa. Pumasok ako sa banyo saka naligo nang mabilis. P

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD