Chapter 45

1172 Words

“Calli, hoy! Ano’ng problema mo? Halika rito. Huwag kang magtago sa kuwarto mo!” Kinalabog ni Line ang pinto ng aking kuwarto habang ako naman ay nakatago sa ilalim ng kumot na parang wanted criminal. Hindi ako sumagot. Ayaw ko. Hayaan na lang sana akong mamatay rito sa kahihiyan. “Calli!” sigaw ulit ni Line. “Mamaya na ako mabubuhay!” sigaw ko pabalik saka ko muling hinila ang kumot hanggang ulo. Narinig ko ang malakas na tawanan mula sa labas ng kuwarto ko dahilan para mapapikit ako nang mariin. Punyemas. Naririnig siguro ni Morris ang lahat. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakahiga roon habang iniisip ang kabobohan ko kanina. Nakapajama ako. Gusot ang buhok. Nagmumukha pa akong bagong gising na aswang tapos nagsisisigaw ako tungkol sa pag-aasawa sa boyfriend pala ng kaib

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD