Chapter 28

1168 Words
Naiyak ako sa hindi malamang dahilan. Biglang nagahalo-halo ang nararamdaman ko; takot, kirot sa puso, kaba, at panghihinayang. Takot. Takot dahil baka maulit ang nangyari noon. Iyong tipong mahal ko na pero hindi pala puwede. “Puwede ka namang magpahinga, Apo. Huwag mong pilitin ang puso mo. Huwag kang magmadali na parang may humahabol sa iyo. Kapag nadapa ka, masakit talaga,” sabi ni Lola habang hinahagod ang aking likod. Nasabi niya iyon makaraang maikiwento ko sa kaniya hindi lang ang tungkol kay Maxim kung hindi pati na rin kay Gaara. Kirot sa puso. Masaya ako ngayon, mamaya hindi. Ayaw ko mang isipin ngunit sadyang ganoon talaga siguro. Kakambal palagi ng saya ang lungkot. Kani-kaniyang diskarte na lamang kung paano ito malalagpasan. “Pero Apo, hindi kasi solusyon ang panibagong relasyon para sa hindi pa hilom na puso. Para lang iyang pilay sa paa. Huwag mong piliting lumakad kung hindi pa magaling dahil huli, baka mas lumala pa. Hayaan mo munang gumaling at lapag siguradong maayos na, saka ka magpatuloy,” mahabang litanya pa ni Lola Yumi. Kaba. Paano kung hindi pala ako handa sa maaaring mangyari? Dagdag pa ni Lola, “Natural ang mag-alala patungkol sa mga bagay-bagay pero huwag iyong tipong halos iyon na lang ang gawin mo. Alam kong hindi nauubos ang magagandang bagay sa mundo.” Panghihinayang. “Isa pa, bata ka pa, Apo,” sabi pa niya. “Marami pang panahon. Kung may nakalaan para sa akin, ganoon din sa iyo. Experience will make you stronger. Basta huwag kalilimutan ang aral sa lahat ng mga nangyari. Huwag ka nang umiyak.” “Lola...” Sa haba ng sinabi ni Lola Yumi ay tanging iyon lang ang naitugon ko sa kaniya. “Matanong nga kita, Apo. Bukod kina Gaara at Maxim, may ibang lalaki ka bang nagustuhan? Kung hindi mo man siguradong nagustuhan, iyon bang tipong nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa puso mo. O kaya lalaking matagal mo nang kilala na umamin sa iyo?” Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Lola nang marinig ko ang mga panibagong tanong niya sa akin. “Ano po ang ibig ninyong sabihin?” “Si Gaara at Maxim kasi ay hindi mo pa naman talaga kilala. Baka naman hindi iyan pagmamahal? Siguro ay na-pressured ka lamang o kaya ay admiration lang,” sabi niya. “Wala ka bang kaibigan o kaklase na matagal mo nang kakilala na umamin sa iyo?” “Kaibigan o kaklase po?” Ang mga salitang iyon ang nakapagpaalala muli sa akin sa isang kaibigan at kaklase ko noon na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa puso ko. “Hindi mo ba ako naging crush, Calli?” Nakanganga akong napalingon sa kaniya. Sabi ko, “Hoy! Seryoso ka sa tanong mo?” “Sagutin mo na lang.” Pinagkrus ko naman ang aking mga braso at pansamantala ko siyang tinitigan. “Hindi mo alam ang sagot?” tanong ko pabalik. Dahan-dahan siyang umiling na parang asong nagpapaawa. “Syempre,” Ngumiti ako, “hindi.” Napatunganga siya sa akin samantalang inayos ko naman ang aking mga gamit sa ibabaw ng aking table. Hindi pangit si Jonesses. Pero hindi naman iyon dahilan para magustuhan ko siya. Hindi ko naman sinasabing ayaw ko sa kaniya, hindi ko nga lang siya type. Ewan ko pero sa pagiging kaibigan ko siya nagustuhan. Nang maalala ko naman na may sasabihin nga pala siya ay agad ko siyang nilingon. “Hoy?” untag ko. Nakatingin pa rin pala siya sa akin. Sa tantiya ko’y kanina pa siyang nakatitig at parang ang lalim ng iniisip. “Hoy, Jonesses?” “Um?” mahina niyang tugon kaya napataas ang aking kilay. “Akala ko ba may sasabihin ka? Ano iyon?” “Ah, iyon ba?” Tumikhim siya saka umupo nang maayos. Hindi na siya nakatingin sa akin kung hindi sa unahan na. “Ano nga?” halos naiinip ko nang tanong. “Napaisip lang ako.” Kumunot ang noo ko. “Na?” “Napaisip lang ako na mabuti na lang at hindi talaga kita type.” Agad kong pinadapuan ng hampas ang braso niya na halatang ikinagulat niya. Bahagya kasi siyang napaigtad. Sa lahat naman, akala ko seryoso na iyon pala, kalokohan pa rin! “Pinaglololoko mo ba talaga ako?” singhal ko. Tumawa naman siya habang hinihimas ang braso niya. “Calli, alam kong mami-miss mo ako. Tigilan mo na ang p*******t. Pagsisisihan mo iyan, sinasabi ko sa iyo.” “Ang weird mo ngayon,” sabi ko. “Mabuti na lang talaga at hindi kita type.” Para siyang sirang plaka. Paulit-ulit. “Ano bang problema mo? Bakit iyan na naman ang—” “I’ll be leaving tomorrow. Kinukuha na ako ni Dad papuntang States. Doon na ako mag-aaral.” Napipi ako pansamantala dahil sa kaniyang sinabi. Malinaw iyon sa aking pandinig ngunit parang hindi agad iyon kainin ng utak ko. Nang maipahinga ko na ang hinihingal ko kaninang dibdib ay aking sinabi, “Nagbibiro ka ba?” “Mabuti na lang at hindi kita type.” Napapikit na ako dahil sa inis. Bukambibig na niya iyon kanina pa at nakakairita na iyon sa aking pandinig. Napailing ako. “Jonesses, ano ba? Bakit—” “Dahil kung nagkataon na gusto kita, mahihirapan akong umalis at iwanan ka.” “Kasi kung mayroon man, mas naniniwala akong mas mataas ang tyansa nang ganoon. May pundasyon at may pinagsamahan na. Naroon pa rin naman ang takot at kaba na baka masira lang ang pinagsamahan at ang pagkakaibigan pero bakit iyon ang iisipin kung mahal mo na?” litanya ni Lola. “Apo, Calli, hindi ako tutol sa inyo ni Maxim. Sinabi ko lang ang pakiramdam ko. Ang gusto ko lang ay mag-ingat ka. Ingatan mo ang puso mo.” Hindi ko alam ang susunod kong sasabihin. Hinalukay ni Lola Yumi ang utak ko pati na rin ang nararamdaman ng nalilito kong puso. Lahat ng sinabi niya, tama. Ang hindi ko lang sigurado ay kung ano talaga ang totoong nararamdaman ni Jonesses ng mga sandaling iyon. “I think I should reconsider whether be in a relationship or still take some time to heal and be ready enough,” sambit ko saka bumuntong-hininga. As soon as I breathed out my frustrations, a loud noise of shattered glass coming from the door caught our attentions. “I’m sorry. I didn’t mean to break the vase.” It was Maxim who hurt himself. Nahiwa siya ng basag na vase nang tangkain niyang pulutin iyon sa sahig sa gilid ng pinto ng kuwarto. Agad akong napatakbo palapit sa kaniya kahit nagtataka ako kung paano niya nabasag iyon. “Hey, are you okay? Does it hurts so much?” nag-aalala kong tanong nang makita ko ang hiwa sa kaniyang kanang kamay. “Yes,” sagot niya. “Moye serdtse sil'no bolit.” Hindi ako nakagalaw habang kaharap ko siya. Ang mga katagang iyon ang hinding-hindi ko malilimutan sa lenggwahe nila. My heart hurts a lot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD