Chapter 29

1194 Words
I once heard that if you fear losing people most of the time, they perhaps already left. May law of attraction na kapag malakas ka sa ganoon, baka maattract mo ang lahat at mangyari ang iniisip mo... kahit hindi mo gusto. Puwede ngang may mawala sa iyo at kahit ano’ng gawin mo, hindi mo na iyon maibabalik pa. Living in the moment would be hard when there were so much future to fear. Paano kung okay naman, pero paano kung hindi pala? Paano kung ganito ang ginawa ko, magiging ganiyan pa rin ba ang outcome? Lahat may kabaligtaran. Unpredictable kumbaga. Ilang beses ko nang iniikot ang aking daliri sa aking sentido dahil sa kaiisip. Pagkatapos ng pitong araw na bakasyon, siyempre, umuwi na ako sa Pilipinas nang mag-isa. Kailangan ko na ulit pumasok at magsunog ng kilay. Pinilit kong ngumiti at pagmukhaing masaya ang sarili ko bago ako umuwi ngunit sadyang ayaw makisama sa akin ng kaluluwa ko. Idagdag pa si Line na wala nang ibang ginawa kung hindi ang mag-usisa. “So how’s your 7-day-trip to South Korea? Bakit mukhang mas problemado ka ngayon? Kuwento naman!” pangungulit sa akin ni Line na katulad ng kinagawian niya ay nasa kuwarto ko na naman siya. Mas matanong pa siya kaysa sa sarili kong ina. Ang mahalaga kasi kay Mama ay umuwi akong ligtas, mag-isa at walang dala sa tiyan. Hindi niya ako pinilit magkuwento kahit alam niyang may nangyari sa akin doon na pabor naman sa akin. “Maganda sa South Korea pero wala namang magandang nangyari, e,” matipid kong sagot bilang pag-iwas sa kaniyang tanong. Pumikit ako. “Paanong wala? Bakit?” bulalas niya sabay yugyog sa kamang hinihigaan ko. Agad akong napamulat dahil ang sakit niya sa ulo! “Huwag mong sabihing nasa bahay ka lang ng lola mo sa loob ng pitong araw?” tanong pa niya sabay taas ng kaniyang kilay. Tumango ako kaya agad siyang napahilamos sa kaniyang mukha. “Masarap matulog,” sambit ko sabay ngiti. “Sinayang mo ang trip, gaga!” Tinalikuran ko na siya saka bumaluktot habang nakahiga sa kama. Ayaw ko pang magkuwento. Doon iyon nangyari sa South Korea kaya doon na lang ang alaalang iyon. “Calli, Line, kakain na! Lumabas na kayo riyan!” rinig kong tawag ni Mama. Sa halip na bumangon ako ay bagkus akong pumikit ulit. I thought that vacation would help me release my stresses out of my body pero hindi, nadagdagan lamang iyon. Who would I blame anyway? Kasalanan ko rin naman. Kasalanan ko talaga. Dapat hindi ako nagpadala, dapat hindi ako naging marupok at dapat hindi ako naging tanga. Ang bobo ko. Hindi na ako natuto. I thought Maxim was different, but he’s not. Noong ikalimang araw ko na kasi sa South Korea, napansin kong balisa si Maxim. Nagkikita kami everyday sa loob ng isang linggong stay ko kina Lola Yumi pero after that incident kung saan ay nabasag niya ang vase, tila nagbago ang pakikitungo niya sa akin. As soon as I breathed out my frustrations, a loud thud coming from the door caught our attentions. “I’m sorry. I didn’t mean to break the vase.” It was Maxim who hurt himself. Nahiwa siya ng basag na vase nang tangkain niyang pulutin iyon sa sahig sa gilid ng pinto ng kuwarto. Agad akong napatakbo palapit sa kaniya kahit nagtataka ako kung paano niya nabasag iyon. “Hey, are you okay? Does it hurts so much?” nag-aalala kong tanong nang makita ko ang hiwa sa kaniyang kanang kamay. “Yes,” sagot niya. “Moye serdtse sil'no bolit.” Hindi ako nakagalaw habang kaharap ko siya. Ang mga katagang iyon ang hinding-hindi ko malilimutan sa lenggwahe nila. My heart hurts a lot. “What do you mean?” tanong ko pero hindi niya ako pinansin bagkus ay binalingan niya ng tingin si Lola na nakatingin sa amin. “I would clean this and I will leave after,” aniya sabay tingin ulit sa akin. “I have to go back to the hotel, Calli.” Narinig niya ba ang sinabi ko kaya siya ganito bigla ngayon? Hanggang sa nagpaalam siya sa akin. Ang sabi niya’y may emergency at kailangan na niyang bumalik agad sa Russia. Hindi ako nag-usisa dahil tila hindi ko na alam kung ano’ng karapatan ko o may karapatan ba ako para gawin iyon. Ni wala rin na siyang ibang sinabi. Pumayag ako, siyempre. Hindi ko siya puwedeng pigilan. Naging maayos naman ang pagpapaalam niya sa akin na hindi man lang nababanggit ang tungkol sa aming dalawa. Ni isa sa amin, wala nang nagtangka. Nalungkot ako pero ano’ng magagawa ko? Mukhang tama si Lola Yumi. Maxim told me that I should take care of myself pag-alis niya. He even left me with a handwritten letter na siya mismo ang nagsulat na nakasulat pa sa Russian. That time, I was laughing hard in my mind. Nakangiti akong nagpaalam sa kaniya at sa sandaling mawala na siya sa paningin ko habang nakasakay siya sa sasakyang patungong airport ay nawalang bigla ang mga ngiting iyon. Naalala ko iyong mga sandaling sinabi niya na huwag ko siyang iiwanan ng sulat na nakasulat sa native language ko pero in the end, siya pala itong gagawa niyon. Ang suwerte ko na hindi ko na kailangan pang maghintay ng taong magta-translate niyon para sa akin dahil noong oras na iabot niya sa akin ang sulat ay may pakiramdam na ako kung ano ang ibig sabihin niyon. I’m sorry, Calli. I heard you and your grandmother talking about you on being in a relationship that day. I honestly got hurt with what I heard, but I realized, she’s right. We were both not healed. Maybe I was just out of my mind to make such a decisions as well. I’m going back to Russia and never coming back. Please forgive me. Hindi ko alam kung para saan ang luhang tumulo mula sa aking mga mata ng mga oras na iyon pagkatapos kong basahin ang sulat. Kung sakit ba, panghihinayang, o galit... galit sa aking sarili at pagkadismaya. Just definitely another heartbreak for me. “Huwag kang mapapagod magmahal, Apo,” sabi ni Lola Yumi sa akin bago ako umalis ng Itaewon. “Ang mahalaga ay maaga pa lang ay alam mo na ang para sa iyo at ang dapat mong pakawalan at kalimutan. Mag-iingat ka, lalo na iyang puso.” Mayamaya’y nakaramdam ako ng kalabit mula kay Line. Aniya, “Kakain na.” Nang lumingon ako sa kaniya ay kasabay ng aking pagbangon. Napansin ko namang nakatitig siya sa akin kaya kumunot ang aking noo. “Bakit?” tanong ko. “Bakit ka naiyak?” Hinawakan ko ang aking pisngi... may tumulo ngang luha. “Humikab lang. Tara na,” palusot ko saka nagmadaling lumabas ng kuwarto para maunahan ko siya at mapunasan ang aking luha. I just really wished na bumalik na lang sana iyong dating ako. Iyong dating Calli na hindi kasali sa problema ang lalaki at hindi nag-iisip kung paano mag-move on.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD