Masaya siguro mag-travel lalo na kung may nakahawak sa aking kamay na sinisigurong hindi na ako makakawala pa sa kaniya. Iyong tipong may hahalik sa aking noo habang sinasabing mahal niya ako. Iyon bang gusto na akong makasama habambuhay kaso palaging flat line ang pag-asang magkaroon ako ng isang masayang love life. Hindi ko alam kung hanggang pangarap na lang ba ako dahil bukod sa isa akong mamamayan na naglilingkod sa bayan at sa kapuwa ko mamamayan ay walang matinong mapaibig sa akin. Masyado na akong abala sa problema ng mga kliyente ko. Maliban kasi sa manloloko ay wala namang magandang plano sa buhay. Pero sa huli after another 4 years, mukhang trabaho ko na ang mapapakasalan ko kapag nagkataon. May sumumpa yata sa akin kaya ganito kalungkot ang takbo ng aking buhay pag-ibig. Ba

