Dalawang linggo. Dalawang linggo nang nasa Russia si Chadri pero nakakainis dahil parang may parte pa rin ng araw-araw ko na umiikot sa kaniya. Nasanay na yata talaga ako. Tuwing umaga, automatic kong chine-check kung may message siya bago ako bumangon. Tuwing lunch break, minsan may random picture siyang sinesend ng kung anong kinakain niya o kaya ng snow sa labas ng office building nila. At tuwing gabi naman, halos naging routine na namin iyong video calls kahit pareho kaming pagod mula trabaho. At iyon iyong delikadong parte. Kasi hindi ko namalayang naging normal na siya. “Calli!” Napakurap agad ako nang marinig iyong boses ni Line mula sa kabilang side ng gate namin. Kasalukuyan akong nakaupo sa terrace habang nagbabasa ng documents para sa trabaho pero obvious na matagal nang

