Nagising ako kinabukasan dahil sa tunog ng cellphone ko. Mahina pa iyong sikat ng araw mula sa bintana ng kuwarto ko habang groggy kong inaabot iyong phone sa side table. Ilang segundo pa akong nakapikit bago tuluyang nag-register sa utak ko iyong notification. Chadri: Landed. Parang automatic na nagising buong sistema ko. Napaupo agad ako sa kama habang nakatitig sa screen. Hindi ko namalayang bahagya akong napapangiti habang binabasa ulit iyong maikling message niya. Leche. Napailing agad ako sa sarili ko saka mabilis na nagreply. Calli: Good. Kumain ka. Halos isang minuto lang... Chadri: You sound worried. Napabuntong-hininga ako. Calli: Mahaba flight mo. Natural lang. Mabilis ulit iyong sagot niya. Chadri: I’ll survive, lawyer. Don’t worry too much. Bahagya akong natawa h

