Tahimik iyong buong street nang tuluyan akong makababa ng sasakyan. Madilim na halos lahat ng bahay sa subdivision maliban sa maliit na ilaw mula sa terrace namin at sa kusina nina Line sa kabilang side. Mula sa malayo ay may maririnig pang mahinang tahol ng aso at tunog ng tricycle na dumaraan sa main road. Normal na gabi. Pero pakiramdam ko parang may kung anong mabigat na nakasabit sa dibdib ko habang nakatayo lang ako sa harap ng gate namin. Sa loob ng sasakyan ay tahimik lang ding nakaupo si Chadri habang nakatingin sa akin. Pareho yata naming ayaw matapos iyong gabi pero pareho ring walang gustong magsabi no’n nang diretsahan. Huminga muna ako nang malalim bago iniabot sa kaniya iyong jacket niya. “Baka kailanganin mo ‘to sa flight mo.” Agad akong lumapit sa may driver's seat.

