“You stopped feeling like one.” Tahimik ang gabi matapos niyang sabihin iyon. Iyong ulan sa labas unti-unti nang humihina pero parang mas lalo namang bumibigat iyong pakiramdam sa dibdib ko. Nakatayo lang ako roon sa terrace habang mahigpit na nakahawak sa railing. Hindi ko alam kung ano’ng mas nakakainis. Iyong mga sinabi niya— o iyong parte ng sarili kong gusto iyong paniwalaan. Napatawa ako nang mahina pero walang saya roon. “Too late.” Bahagyang gumalaw panga niya. “Calli—” “Hindi mo ba naisip noon kung ano’ng mararamdaman ko?” tanong ko habang nakatingin pa rin sa ulan. “Kasi ako, akala ko… Diyos ko.” Napapikit ako sandali. Hindi ko man aminin, nasaktan talaga ako noon. Hindi dahil mahal ko na agad si Chadri. Hindi naman ganoon. Pero kasi sa maikling panahon na magkasam

