Assuming ba ako? Nakatayo ako ngayon sa tabi ng dessert station habang si Ephraim ay nakahalukipkip lang sa tabi ko. Sa kabilang side naman ng ballroom ay nakatingin si Chadri sa direksyon namin habang may hawak na wine glass. At kahit malayo ay ramdam ko iyong titig niya. “Oops,” mahinang sambit ni Ephraim habang sumusulyap kay Chadri. “Mukhang nakatingin boyfriend mo.” Agad akong napalingon sa kaniya. “Hindi ko boyfriend iyon.” “Mm-hm.” “Ephraim.” Bahagya siyang natawa bago inayos iyong sleeves ng chef coat niya. “Relax. Hindi naman kita tinutukso.” Sumulyap ulit siya sa direksyon ni Chadri. “Pero parang hindi lang ikaw iyong nagseselos tonight.” Muntik akong mabulunan sa juice. “What?!” Hindi na siya agad nakasagot dahil may isang staff na mabilis na lumapit sa kaniya at may

