“Would you like to grab a drink with me? Then let’s talk about anything about me and anything about you, then... about us.”
About... us?
I didn’t know what to react. Ang alam ko lang, parang butterfly farm ngayon ang loob ng aking tiyan. Iyong parang sabay-sabay silang nakaalis sa cocoon.
“About us?” nauutal at may halong kabang tanong ko.
Tumango siya sabay bangon at sa pagkagaling-galing nga naman ay halos magdikit na ang mukha namin sa ginawa niya.
Parang nag-slow motion iyong pagbangon niya at kung paano siya ngumiti sa mukha kong malapit nang maging kamatis sa pula. Kumabog-kabog pa ang aking dibdib dahil sa nerbyos na binibigay sa akin ng ginawang iyon Maxim.
“Yes, us.”
Napalunok ako sabay kurap ng ilang beses.
“Come on!”
Agad niyang kinuha ang aking kamay saka ako hinila para tumayo. Walang anu-ano’y bigla siyang tumakbo habang magkahawak-kamay kami. At dang! Para akong sasabog sa kilig. Lovers beside Han River, ladies and gentlemen!
Ngunit agad ko rin siyang pinigilan bago pa man kami makalayo. Cut agad ang scene na iyon dahil may nakalimutan ako.
“Why?” nagtataka niya tanong.
Lumingon ako pabalik sa inupuan namin kanina saka siya muling tiningnan.
“My luggage.”
Natawa siya at ganoon din ako. Ang third wheel namin, ang aking maleta.
Pasado alas sais na noon ng gabi nang makarating kami sa isang parang canopy. Commercial establishment iyon na kung tawagin ay Pocha, short for Pojangmacha o tent bar dito which sell popular street foods, such as hotteok, gimbap, tteokbokki, sundae, dakkochi or Korean skewered chicken, odeng, mandu, and anju na syempre ay hindi mawawalan ng Soju o beer bilang ka-partner ng mga ito.
In Korea, there was no open-container law, and no cop would stop you on the street to give you a sobriety check. This would mean that you would see some drunk people walking on the street, and perhaps a few people passed out on the street or subway seat.
“Mandu,” sabi ko. Iyon ang tawag sa dumplings dito. “That would be fine.”
Katulad kanina ay si Maxim ulit ang nagbayad niyon. Nagtataka na nga ako kung gaano kadami ang pera niyang dala.
“And two bottles of Soju,” dagdag niya habang kausap iyong vendor. Medyo nagsenyasan pa sila dahil pareho silang hindi sanay sa lenggwahe ng isa’t isa.
Naghanap kami ng mauupuan pagkatapos. Marami pa namang bakante pero hindi maikakailang marami na ang nasa loob ng tent dahil labas na sa trabaho ang mga tao.
“Shall we?”
Tumango ako nang iginiya ako ni Maxim sa isang table malapit lang sa pinaka-counter ng tent bar at doon kami naupo.
“It’s my first time here,” aniya sabay upo sa aking harapan. May table sa gitna naming dalawa at habang naghihintay sa order namin ay naisipan kong tingnan ang aking telepono.
“Me too and it’s nice here,” tugon ko bago ko napansing ang daming messages ni Line sa w******p account ko.
“Hoy, Calli! Nasaan ka na? Nakarating ka na ba sa Korea?”
“Ano na? Nakita mo ba sina Suga at Jimin?”
Kusang kumunot ang aking noo.
“Ano ba’ng akala niya? Pakalat-kalat lang ang BTS sa kalsada ng Korea?” bulong ko habang nakatitig sa aking telepono.
“Calli?”
Nag-angat ako ng tingin at doon ko nakita amg nag-aalalang hitsura ni Maxim. Bahagya naman akong natawa. Akala siguro niya ay may kaaway ako.
I waved my phone in the air, telling him that it was just my crazy friend.
“You sure, you’re okay? tanong pa niya.
“Of course.”
Nang makumbinsi ko siya ay agad namang napalitan ng ngiti ang kanina’y nag-aalala niyang mukha na parang may masama nang nangyari sa akin.
Hindi ko pinansin ang mensahe ni Line, bagkus ay itinabi kong muli ang aking telepono sa loob ng aking suot na sling bag.
Dumating ang Soju at ang mainit na mandu sa aming mesa. Ang sarap ng amoy niyon. Agad namang binuksan ni Maxim iyong isang bote ng Soju saka sinalinan ang basito para sa akin.
“Thanks.”
“Have you tried drinking before?”
Bago siya sagutin ay agad kong tinungga iyong nasa aking basito. Bahagya akong napapikit nang maramdaman ko ang pagguhit ng ininom kong alak sa aking lalamunan.
It was not my first time to drink. Ang unang beses ay noong nag-debut ako pero first time sa Soju.
“Yes. When I turned 18, on my birthday,” sagot ko saka kinuha ang chopsticks para ipangkuha ng mandu. “I’m 23 already.”
Sadya naman kasi. Uso sa Pilipinas iyong 18 na ganito at 18 na ganiyan at kasali sa akin ang 18 wines pero The Bar talaga iyong nainom ko. Muntik pa akong mabatukan ni Mama noon.
“That’s nice, but too long ago,” komento niya. “Well, South Korea is more awesome because drinking in public is legal here,” sambit pa ni Maxim habang nakatitig sa hawak niyang bote ng Soju. Sinalinan niya ang kaniyang basito saka iyon ininom.
“I agree. This is actually one of my dreams to do here in Korea. To drink Soju in a public place like this. You know, Korean Drama thing,” litanya ko.
“Really? So, you’re fond of watching Korean drama?”
Lumawak ang ngiti ko. Kailan lang din naman ako na-hooked doon pero kung tatanungin kung ilan na ang napanood ko? Hindi ko na matandaan pa.
“You nailed it! Of course!” pasigaw kong pagsang-ayon kasabay ang pabagsak kong paglalapag niyong baso ko sa mesa. Dagdag ko pa, “Korean dramas are awesome! Have you ever watched Itaewon Class? Hit the Top? Miss Hammurabi? How about School 2013, 2015, and 2017? Clean with Passion for Now? The Good Doctor or Moments at Eighteen? That Flower Crew Wedding Agency and the oh-so-great The King Eternal Monarch? They’re so good to watch!”
“Oh.”
“What’s Wrong with Secretary Kim is also a good one! The Rich Man, Blood, Doctor Stranger, I Can Hear your Voice, Laughter at Waikiki, the—”
“Fine. Fine. I can see it,” aniya sabay iling. Natatawa rin siya habang ngumunguya. “They’re absolutely good by just looking at your reactions now.”
Ngumiti ako. “And actors are really handsome!”
He grinned. “And also me,” mabilis niyang dagdag kaya agad akong napaismid.
“Soju!” halos sigaw ko saka ibinangga ang hawak kong basito sa kaniyang bote.
“Don’t you agree with me?” nakasimangot naman niyang tanong. “I’m ugly. Is that what you mean?”
Naliliit na mga matang tinawanan ko siya. Bukod sa nangungunot ang kaniyang noo ay natatawa talaga ako sa hitsura niya.
“I didn’t even say anything!” sabi ko. “I didn’t say that!”
Mas lalo siyang sumimangot kaya kumuha ako ng dumpling saka iyong itinapat sa bibig niya.
“Come on, say ahh!” Pati ako ay napanganga na rin.
Ngumiti siya. Finally!
“Do I look like a kid?”
“Isn’t this sweet?”
Parang tumigil ang oras ng mga sandaling iyon. Parang pareho naming pina-process sa mga utak namin ang aking sinabi. Tila naging corny na yata talaga ako.
Dahil sa hiya ay agad kong binawi ang aking kamay. Sa bibig ko na rin isinubo iyong dumpling bago napainom ng Soju sa mismong bote nito.
“You’re cute.”
Nasa labi ko pa ang bibig ng bote noon nang mapatungga ulit ako. Anak ng! Ramdam na ramdam ko ang pagguhit ng alak sa aking lalamunan at kung gaano iyon kapait ngunit binaliwala ko iyon dahil sa hiyang nararamdaman ko.
Napapikit ako sa pait niyon sa dila ko.
“Are you still okay?” tanong niya sa akin matapos niyang mapansin na halos ubusin ko na ang laman niyong bote.
Tumango naman ako pagkatapos saka iyon inilapag sa mesa. Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko nawala nang bahayga ang hiya ko dahil sa alak.
“You?” tanong ko na parang hindi ako hiyang-hiya sa kaniya kanina.
“I have a high alcohol tolerance,” sagot niya sabay subo niyong dumpling. “Don’t you feel dizzy? You have left the bottle almost empty.”
Totoo iyon. Parang nahihilo na nga ako.
“I’m feeling tipsy, I guess? It’s kinda hot too,” usal ko saka ko pinaypayan ang aking sarili gamit ang aking mga kamay. Pagtingin ko sa kaniya’y nakita ko ang kaniyang pagngisi. Dagdag ko, “What’s with that look?”
“Oh.” Bahagya siyang umiling. “You just look... very cute,” aniya saka bahagyang tumawa.
Sa halip na mahiya ulit ay umismid. “Are you flirting with me?” Nanliit pa ang mga mata ko niyan.
Siya naman, pinagkrus niya ang kaniyang mga braso saka niya sinabing, “We are dating and I guess flirting is allowed between us. Don’t worry. I mean it. You’re cute.”
I felt butterflies inside my stomach dahil sa confidence niya. Dahil doon ay naisamual ko ang dalawang pirasong dumplings sa loob ng bibig ko.
“Eat carefully,” sabi niya saka niya ako inabutan ng tissue. “After you finished your drink, we are done, okay?”
“Who are you to tell me that? I want more.”
Mabilis ang naging pagsagot kong iyon kahit puno pa ang bibig ko. Tunog nanay kasi siya. Sermon.
“Me? Well, I’m Maxim,” mariin niya akong tiningnan, “your boyfriend. So put yourself together and stop complaining. No more Soju after this one.”
Itinaas niya ang bote ng Soju saka iyon iwinagayway sa ere. Hindi pa nga nakakarami, tapos na agad.
Saka boyfriend?
“What?” nakasimangot kong sabi.
Kahit kasi mapait iyon ay gusto pa ng sistema ko ang uminom. Nakakaadik pala iyon!
“What?” ulit niya.
Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Singhal ko, “Boyfriend? When? How? How come? Are you kidding me? We’re just dating! Hindi pa kita sinasagot! Nagde-date pa lang tayo! We’re not yet—”
“You’re mine already,” aniya, “Calli.”
“A-ano? A-anong sabi m-mo?”
“By the tone of your voice, you’re reacting over what I said. Whatever it is, you’re still mine.”
Napalunok ako. Habang nakatingin sa kaniya ay napainom ulit ako at sa pagkakataong iyon ay wala akong itinira ni isang patak sa bote.
Nakangiti siya. Ang ganda ng ngiti niya. Nakakapang-akit. Nakakapa-oo. Bumilis ang aking paghinga. Nakakagulat ba talaga iyong sinabi niya o sadyang lasing na ako sa isang bote ng Soju? Nakakabilis ba talaga ito ng t***k ng puso? Kikiligin na ba ako? Pero ang pinakamahalagang tanong, seryoso na ba ang lahat ng ito?
That night, sumama ako sa hotel na tinutuluyan ni Maxim.