Chapter 17

1429 Words
It was actually my first time to ride a bike with a guy here who happened to be my date all of a sudden. Saying a yes for allowing him to date me was just a spur in the moment. Hindi ko rin alam pero ngayon, natutuwa ako sa kaniya. “It’s really beautiful here,” aniya na ngayon ay sumasabay sa akin sa pagpadyak ng kaniyang bisikleta. “I agree,” tugon ko saka sumulyap sa paligid. Dagdag ko, “Lalo na kapag magandang katulad ko ang kasama mo.” Nanliit ang kaniyang mga mata habang nangingiti dahil sa aking sinabi. Natawa ako kasi hindi na naman niya ako naintindihan. “What’s that?” Sa halip na sagutin siya ay umiling ako. “Hey, that’s unfair! You should’ve at least tell me!” natatawang reklamo niya. “No,” mabilis kong sagot. “You’re so unfair! I can’t understand you.” “Just never mind,” sagot ko na lamang saka pumadyak nang mabilis. “Hey, Calli! Wait for me!” Alam ko kung hanggang saan at kung saan patutungo ang pagbibisikleta naming iyon pero ang relasyon na bigla naming binuo ay hindi ko sigurado kung hanggang saan aabot. Magtutuloy-tuloy ba o may hangganan din agad? Iyan ang hindi ko alam. Maganda ang panahon kaya sinulit namin iyon para maglibot at kumain. At dahil isang Russian ang kasama ko at question of honor daw para sa isang katulad niyang nakikipag-date kung ako na babae ang magbabayad sa aming pagkain at sa kung anu-ano pa, malaki ang natipid ko. Ni singko ay ayaw niya akong pagbayarin. Kahit nahihiya na ako ay wala akong magawa. Sadyang mapilit siya kaya sa huli’y hinayaan ko na lamang rin. Sinamantala rin namin ang pagkakataong iyon bilang unang araw ng aming... date. Nang magdapit-hapon na ay nagpahinga kami mula sa pag-iikot. Isa rin kasi sa maganda rito sa Hangang Park ay ang pagkakaroon nito nang malawak na espasyo para magpahinga at maupo. Doon ako palihim na nagtext kay Mama. Sa sobrang saya ko ngayong araw kasama ang isang lalaking kakikilala ko lamang ay hindi agad ako nakapag-report kay Mama. Nagsinungaling lang naman ako nang kaunti at sinabi kong nasa Itaewon na ako kasama si Lola Yumi. Nagpadala rin ako ng mensahe kay Lola Yumi na may dadaanan lamang ako at huwag na niya iyong ipapaalam kay Mama. Nagpapakapasaway lang ako ngayon na bihira ko namang gawin. Sa tingin ko naman ay hindi ako mapapahamak? Nilingon ko si Maxim na nasa isang booth naman. Renting a mat is a new thing at iyon ang ginawa namin ni Maxim. Naupo kami sa damuhan gamit ang nirentahan niyang mat saka pinanood ang papalubog ng araw. Tons of flyers of delivery services for fried chicken, McDonald’s or McDelivery, pizza, Korean-Chinese foods, and even Bossam were just everywhere, but it’s too early for us to eat again. “You know what? Isn’t it funny how times seems to slip away so fast?” Habang katabi ko si Maxim ay napalingon ako sa gawi niya. Nakatingin siya sa akin habang kumakanta. Kinilabutan ang sistema ko sa kilig pero hindi ko iyon pinahalata. Masyado syang nasagad sa pagiging mapang-akit. Mapang-akit na mukha pati boses. Magpapadala na ba ako nang tuluyan? “One minute you’re happy, the then later you’re sad,” pagpapatuloy niya. Nangiti ako. Tunay naman iyong kanta. Masaya ngayon, mamaya hindi. Minsan talaga, nakakatakot maging masaya. “Singing all of a sudden?” nakangiti kong sabi pero mas lalo lang siyang ngumiti habang patuloy pa rin sa pagkanta. “That’s sad, but if you give me one more chance to show my love for you is true. I’ll be by your side, your whole life through...” “Hey,” natatawa ko pang sabi at mahina siyang hinampas sa kaniyang braso. “What are you doing?” Napatigil siya at bahagyang nagulat pa. “Why? What’s wrong?” Ngumiti siyang muli. “I’m singing for you.” For me? Magsasalita pa lamang sana ulit ako nang ipagpatuloy niyang muli ang kaniyang pagkanta. “If life is short why don’t you let me love you before we run out of time? Why? If love is so strong why don’t you take the chance before our time has come. If life will soon end.. if life is so short...” Heto na naman ang kilig dahil bukod sa nasa akin lang ang kaniyang atensyon ay kinakantahan niya pa ako. Bigla ko tuloy naisip kung ano ba ang dahilan at bigla niya akong gustong i-date? Parang may biglang sumapak sa ulo ko at ipinaalalang... baka hindi ito seryoso. Hindi. Ngunit binalewala ko muna iyon. He wouldn’t have spent his time on me kung wala lang talaga ito, hindi ba? Pasimple kong kinalma ang aking sarili. “You have a good voice,” puri ko sa kaniya pagkatapos niyang kumanta. “Very pleasing to my ears.” “Ah,” nagkakamot sa ulo niyang tugon. Tila nahiya pa. “You think so?” Tumango naman ako. “How about my face? Is my visual look good, too?” He was bubbly on the other side. Matanong, matawa, at hindi mo aakalaing ganoon siya dahil he looked so dominant. Parang boss sa isang kumapanya na puwedeng mangain ng empleyado. Pabiro akong sumimangot. Aking sagot, “Your face? Let me think about it.” “Tss. So mean.” Bahagya naman akong natawa nang irapan niya ako. Bago ako muling nagsalita ay napatingin ako sa araw na papalubog pa lamang. “And you’re actually romantic,” tumingin ako sa kaniya, “even if you don’t look like one.” Napabungisngis siya kaya lihim akong napangiti. Sabay pa kaming tumingin sa araw bago siya muling nagsalita. “Do I really look tough and terror? Like a monster or a beast? Or even something worse than that?” Iwinagayway kong parehas ang aking mga kamay senyales ng hindi pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. “Crazy! It’s not what I meant. That’s too much, you know,” sagot ko. Ngumuso siya. “Well, um... you really don’t know?” nasa tonong pang-aasar ko pa sa kaniya. “Yeah right?” Tumawa siya. “Russians like me have a softer side, and, and—hey! What’s funny?” Halos kagatin ko na ang sarili kong labi para lamang huwag matawa nang tuluyan kaso kahit ano’ng gawin ko ay hindi ko ito mapigilan. Softer side? Ang tapang-tapang kasi talaga niyang tingnan. “Nothing,” sabi ko habang umiiling-iling pa. “Go ahead. Continue.” “You’re weird,” sagot niya saka ako kinunutan ng noo. Heto na. Tumatapang na naman ang hitsura niya kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti. “Alright. You know,” lumunok siya, “we really enjoy reciting songs, poems, movie quotes, or lines from a book that will melt any woman’s heart within earshot.” Confidence at its finest. Napaismid ako. “Whoa. That’s too much,” pang-aasar ko. “Melt? Really?” nakataas na kilay ko pang sabi. “Why? Your heart melt when I sang, right?” Napatitig ako sa kaniya. Ang tono ng boses niya’y na sa tono ng pagmamalaki na akala mo’y sigurado siyang nakuha niya ang atensiyon ko kanina habang siya’y kumakanta. Na totoo naman. Pero dahil babae ako, puwede naman sigurong magpakipot nang kaunti at i-deny iyon. Pabiro ko siyang hinampas sa kaniyang braso saka ko sinabing, “You’re so full of yourself! No way!” “Admit it! You like it!” “Of course not!” “Come on. You like it,” sabi pa niya sabay ngisi. He was really persistent so I gave up. Easily. “Whatever!” “See?” aniya saka humiga. “Even if the expression on my face looks like I’ve eaten a raw bear, I’m actually warm and gentle on the inside.” Kumurba ang parehas kong kilay saka pumihit nang kaunti para makita siya. Ano siya, halimaw para kumain ng hilaw na karne? “Raw bear meat? Warm and gentle? Funny.” “Uhuh. Anyway, would you like to grab a drink with me? Then let’s talk about anything about me and anything about you, then... about us.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD