Napako ang tingin ko sa magaganda niyang mata. Para iyong mga mamahaling batong idinikit sa hokage na lalaking ito. Ngumisi ako.
Habang nanliliit ang aking mga mata, tinanong ko siya, “Stop beating around the bush, Maxim. What do you exactly mean?”
“What?” natatawa niyang sabi. “I’m just asking! I just want to know your opinion about Russians, only if you don’t mind?”
Umiling-iling ako habang nakikisabay sa pagtawa niya.
“Okay. Let me revise your question into another question,” sambit ko saka iniindayog sa ere iyong hawak kong chopsticks. “Are you asking me if I would like to date... you?”
Binigyan ko pa siya ng isang mapang-asar na ngiti. I might sounded assuming pero iyon talaga ang pakiramdam ko.
“Well...” Napakamot siya sa kaniyang ulo. “You’re cute and pretty smart,” sabi niya sabay bungisngis.
Leche.
Bigla akong nakaramdam ng kilig na pilit ko namang pinigilan. That kilig na iniwasan kong maramdaman ulit. Pero heto na naman.
Kinagat ko ang labi ko para matigil iyon pero pakiramdam ko ay hindi kayang itago ng mga pisngi ko iyon. Nag-iinit iyon at pakiramdam ko ay namumula na ako.
Sa loob kasi ng dalawang taon pagkatapos kong magpakasubsob sa pag-aaral ay kinalimutan ko na muna ang pakiramdam ng may lalaking magpapakilig sa akin.
Pinanliitan ko siya ng mga mata.
Dahil sa pagtawa niya na ngayon ko lang mas napansin ay mas nabawasan ang natural na pagkaseryoso ng kaniyang mukha.
“I may look like a little terror, but I’m warm and gentle.”
Tuluyan akong napabungisngis sa kaniyang sinabi.
“Why? Am I ugly?” tila biglang na-conscious na tanong niya. Ako naman ay napailing.
“You’re fine,” tugon ko.
Nginitian ko siya. Nagkibit-balikat rin ako saka tumango.
“Puwede naman,” sambit ko.
Katulad ng inaasahan ko ay kumunot ang noo niya. Muli akong ngumiti saka ko pa sinabing, “I mean, sure. We can... we can date each other.”
Magiging ayos lang ako. Isang linggo lang naman ako rito kaya bakit hindi ko na lang sakyan ang pagiging mabilis niya na parang si Flash?
Alam ko, hindi ito magiging seryoso. Pareho kaming sawi. Imposibleng may mag-seryoso sa aming dalawa. Pero why not? Things happen unexpectedly. Puwede kaming mag-click in one week, puwede ring hindi. Ang mahalaga ay hindi ko ito muling didibdibin kung sakaling maging failed ito. I just wanted to go with the flow this time around.
Isang malapad na ngiti pa ang gumihit sa kaniyang mga labi.
“Just promise me one thing,” sambit niya.
Humarap pa siya sa akin kasabay nang pagiging seryoso ng kaniyang hitsura.
“Promise me you won’t give me a note written in your native language and get married with another man.”
Agad akong natawa dahil doon. Kung tutuusin, masakit din ang nangyari sa kaniya. In fact, he wouldn’t fly here from Russia just for a girl kung wala talaga siyang pagtingin dito.
Pinisil ko pa ang pisngi niya gamit ang isa kong kamay dahilan para mamula siya na parang siya pa ang babae sa aming dalawa.
Nakakatuwa siyang kiligin.
Tumango ako saka ko sinabing, “I promise.”
I would be really happy of this would work between us.
As we became officially dating, we decided to enjoy our first day today. Parang nakakaloko lang na dahil sa isang pirasong papel ay nagkakilala kami.
“I’ll pay,” sabi ko pero umiling siya.
“I’ll pay both of our bike rental fee,” aniya sabay kuha ng kaniyang wallet.
Magba-bike kami ngayon. Bicycle rental was very popular activity in the area as Yeouido Hangang Park was easy to bike around with dedicated bike lanes, and was quite beautiful. At na-miss ko na rin mag-bike.
“Come on!” pagpupumilit ko. “I can pay—”
“I insist, Calli.”
Napatango na lamang ako. Tahimik ko siyang pinanood habang iniaabot ang bayad doon sa booth dahil alam kong hindi naman ako mananalo sa kaniya. Doon ko rin naalala ang mga nabasa ko tungkol sa mga katulad niyang Russian after na mawala si... Gaara.
Naging curious kasi ako sa kanilang lahi. Ang alam ko lang kasi, nakakatakot ang mga Russians. Mga terorista ang pagkakakilala ko sa kanila, mga bayolente at puro armas sa giyera ang alam.
“Do all Russian men are like you?” tanong ko. Bahagya ko pang inihilig ang ulo ko para silipin siya. Doon pa rin kasi siya nakaharap sa crew ng booth.
“Um?” Nilingon niya ako. Tanong rin niya, “What do you mean?”
Habang pababa kami ng hagdan matapos niyang makapagbayad ay akay-akay na namin ang bisikleta patungo sa biking area. Aking sinabi, “About the bill. About paying the bill to be specific.”
“Ah. I got you.” Ngumiti siya. “You know, when you date a Russian guy, the guy won’t allow the girl to pay the bill.”
“That sounds nice,” biro ko sabay tawa. “But why? Any reasons aside from the guy being “the gentleman” one?”
He gave me a sideward glance habang nangingiti. Sagot niya, “It’s a question of honor.”
Bahagya akong napaisip. Masyado pa lang big deal iyon?
“Make it two, medium frappe in Cappuccino flavor.”
Awtomatikong pumihit ang aking ulo sa gilid ko para tingnan kung sinong kurikong ang sumabat sa akin. Nang makita ko kung sino iyon ay namilog ang aking mga mata. Parang tumigil ang oras dahil bigla akong nanigas.
“Yes, Sir?”
Ultimo iyong staff ay bahagyang nautal at na-mesmerized sa kurikong—I mean, sa guwapong nilalang na nakatingala at nakatingin sa listahan ng mga what-to-order. Kita sa mukha niya na gusto niya ang hitsura ng nasa harapan niya.
“Doc. Gaara?” sambit ko. Nilingon naman niya ako sabay ngiti.
“Iyong fries na order niya, gawin mo na siyang large. Dine in,” ngiting-ngiti na saad niya saka iniabot ang bayad sa staff.
“Two medium Cappuccino frappe and one large fries, cheese flavor. I received 1000-peso bill. Here’s your change, Sir. Maupo po muna kayo, Sir and Ma’am. We’ll serve your order once it’s done.”
“Thanks.”
Hindi ko na namalayan ang mga pangyayaring iyon dahil abala ang utak ko sa pag-iisip. Nabayaran na pala niya pati ang order ko ay hindi ko pa alam. Bago pa man makaalis si Doc. Gaara sa counter ay nagawa ko nang makapagsalita.
“H-hoy, teka lang! Ano’ng ginawa mo? Bakit ikaw ang nagbayad ng order ko?”
“Gusto ko lang,” sambit niya saka naglakad at naghanap ng mauupuan.
Napasimangot ako sa akong naisip. Muli kong binalingan ng atensyon si Maxim at ang kaniyang sinabi.
“How come?” tanong ko pa.
“This point isn’t really about equality,” sabi niya. “Even if a girl takes a man on a date and has more money than him, he will always pay.”
“Really? Well, that’s actually good,” sabi ko at bahagyang tumawa. Dugtong ko, “But is it some sort of ego or something?”
“Well,” natatawa niyang sambit, “I’m not sure.” Dagdag pa niya, “A typical Russian man will be offended if his date offers to share the bill. He’ll beg, borrow if he’s broke, or even steal just to make sure he picks up the tab at the end of a meal, otherwise,” tumingin siya sa akin, “he’s not a man.”
“Whoa,” namamangha kong sabi. May pamimilog pa aking bibig. “I could probably save a lot of money when I date one,” biro ko pa.
“You’re actually,” umuna siya sa paglakad saka humarap sa akin, “dating one, and that’s me.”
Kinindatan pa niya ako pagkatapos saka umayos nang paglakad. Para akong kinuryente roon. Ang pamumula ko sa init sa ilalim ng araw ay nadagdagan dahil sa bahagyang kilig. Napangiti’t napailing na lamang ako dahil sa kaniyang inasta.
“The same goes for your opera or movie tickets. I can pay that for you, but maybe not for your lipstick or eyeliner.”
“Why? Pay for it as well and give it to me as a gift. Problem solved!”
Sabay na lamang kaming tumawa dahil doon. Para kaming magkakilala na sa loob ng matagal na panahon. Hindi ko alam kung dahil ba masarap siyang kausap o dahil sadyang mas magaan makipag-usap sa isang estranghero? Malaya ka.
Bago pa man kami tuluyang sumakay sa aming mga bisikleta ay kaniya pang sinabi, “Don’t worry. I’m not broke. I mean, I have money, and I promise not to steal.”
Bahagya pa iyong nakapagpatawa sa akin. He was just really... really charming.