It was a fine day at sakto na rin para kumain nang tanghalian. Mauuna nang isang oras rito sa Korea kumpara sa Pilipinas kaya paniguradong nagluluto pa lamang si Mama roon. Tiningnan ko itong kasama ko habang tahimik na kumakain. Niyaya niya akong kumain ng Tteokbokki na hindi ko naman tinanggihan. Street foods nga sa Pilipinas hilig ko kaya hindi ko uurungan ang street foods sa Korea. Naupo kami sa isang komportableng pwesto kung saan ay nakaharap kami sa malawak na ilog. “You’re Maxim, right?” panimulang tanong ko bilang pagbubukas ng pag-uusapan habang kumakain. Nang malunok niya ang kaniyang nginunguya ay sinagot niya ako. Sabi niya, “Yes. How did you know?” Hindi ako sumagot bagkus ay tiningnan ko ang papel na kaniya pa ring hawak-hawak kaya’t napatango siya. Agad niya iyong nai

