Dalawang taon na ang nakalilipas. Wala namang nagbago maliban sa naging subsob ako sa pag-aaral matapos kong masaktan. Masuwerte nga ako dahil nanalo ako ng 1 week trip to South Korea the last time I won in a school debate. Ang galing lang kasi big time ang prize! Bunga siguro iyon ng matinding pagsusunog ko ng kilay at pagiging brokenhearted. I guess. “Calli?” Nilingon ko si Mama na nakasilip sa pinto ng aking kuwarto. “O, Ma? Bakit po?” sabi ko habang nagsusuot ng sapatos. Handa na ang lahat para sa pag-alis ko. “Mag-iingat ka sa South Korea. Sigurado ka bang magiging maayos ka lang na mag-isang pupunta roon?” tanong niya habang naglalakad palapit sa akin. “Ayaw mo na talagang ihatid kita sa hotel?” “Mama, ayos lang ako. Ako na lang, sayang ang pamasahe. Saka doon naman nakatira

