Ito na siguro ang araw na nakatakda para malaman niya ang nararamdaman ko at kung ano talaga ang nangyari sa kanila ng dati niyang asawa. “I like you. Hindi, mali. Mahal na kita, Doc.” Halata sa mukha niya ang pagkagulat matapos kong umamin sa kaniya. Malamang ay hindi niya talaga inaasahan na magco-confess ako sa kaniya. Ilang segundo rin siyang napatitig sa akin bago siya muling nakapagsalita. “I like you, Gaara,” ulit ko pa. Pansin ko kasing natuod siya. “Calli, listen to me.” Sa tono ng boses niya ay parang may mahalaga siyang dapat sabihin. “Bakit?” tanong ko kasabay ang pagkunot ng aking noo. “Ayaw mo ba sa akin? Ayaw mo dahil sa age gap natin?” Muli niyang hinawakan ang magkabila kong braso saka niya ako tiningnan sa aking mga mata. “No, it’s not like that, Calli.” “So ano’n

