Chapter 12

1738 Words
Madalas sabihin ni Mama sa akin na mahirap kapag hindi ako nag-asawa. Mahirap daw ang tumandang dalaga. Mahirap daw ang mag-isa sa buhay. Pero hindi ba mas mahirap kung sa kapipilit kong humanap ng mapapangasawa ay puro naman maling tao ang matagpuan ko? Una sa lahat, wala naman akong pakialam kung magkaasawa man ako o hindi. Pero ang sabi ni Mama, baka raw pagsisihan ko. Ganoon ba talaga kahalaga ang pag-aasawa? Ngunit kahit gaano ko man itanggi kay Mama na ayaw kong mag-asawa ay hindi ko rin napigilan ang aking sarili na magkagusto sa lalaki. Ang malala, kung gaano ako kabilis tumanggi ay ganoon din naman pala akong kabilis mahuhulog at... masasaktan. Tuluyan na ngang nagbago ang aking isip dahil na rin kina Mama at Line. Hindi na nila ako ganoong pinipilit dahil napag-isip-isip ko rin na tama si Mama. Pasimple akong gumawa ng paraan para mapalapit kay Gaara. Nakakapanibago. Hindi ko kasi inaasahan na magiging ganito ako gayong halos mangilabot ako dati sa tuwing pinag-uusapan ang pag-aasawa o kahit pagbo-boyfriend man lang. Gusto ko siya despite the age gap and despite knowing him in just a short period of time. Alam kong ayos lang iyon dahil single naman siya. Hindi ko pa man alam kung nasaan ang sinasabi niyang naging asawa niya noon ay bahala na. Hindi ko rin kasi magawang usisain dahil wala akong lakas ng loob para umpisahang magtanong. Pero kung ikinasal man siya dati, for sure he had file an annulment. And he would instead say he was separated than single kung hiwalay lang siya sa asawa niya. So I somehow felt relieve. Ganito pala kapag may gusto kang isang tao, lalabas iyong pangalawang ikaw. Sa loob ng isang buwan ay naging ganoon ang takbo ng buhay ko. Pagkatapos ng klase ko sa hapon ay madalas kong puntahan si Gaara sa ospital dahil saulado ko na ang schedule niya kung kailan siya wala doon o on duty. Marami akong naging palusot kung bakit ako laging nasa ospital; kesyo sinamahan ko iyong kaibigan for check up sa physician niya kaya napadaan ako sa office niya, may assignment kami tungkol sa pagtanggap ng mga may life sentence na pasyente, may binisitang kaklase kasi nag-slide sa court dahil sa 7 stitches na tahi sa kaniyang baba dahil sa basketball, at kung anu-ano pa. Dahilan din iyon para matagumpay kong makuha ang cellphone number niya in case na kailangan kong magpa-appoint sa kaniya in advance na syempre, isa ulit palusot. Madalas kong asarin ang mga nagiging pasyente niya na lalabas ng laboratory na manyak talaga siya. Kaya kaunti na lang ay malapit ko nang dungisan ang pangalan niya. Tapos iko-confront niya ako through call dahil pagbalik ng mga naging pasyente niya ay sinusumbong nila ako. Naging madalas din ang aming pagkain at pagtambay sa milktea shop para magkuwentuhan. Dahilan niya, palagi raw busy iyong mga kaibigan niyang labas na rin sa kalendaryo ang edad sa trabaho o sariling pamilya at ako lang raw ang madalas available para maka-jamming. Masaya naman ako kasi pakiramdam ko, nagde-date kami. Marami akong tanong pero hindi ko magawang masabi sa kaniya. Minsan ay nasa dulo na ng aking dila, ilalabas na lang pero nauunsyami dahil mas nangunguna pa rin ang kaba ko. Bakit ang bait niya sa akin? Bakit lumalabas siya kasama ako kung ayaw niyang mahulog ako sa kaniya? Talaga bang nagkaasawa na siya? Pero nasaan na? Nasa Russia? Hiwalay ba sila? Kasal? Patay na? Umiling ako. Simpleng crush lang siguro ito. Simpleng infatuation. Pero mukhang hindi sang-ayon ang isip at puso ko dahil nagtatalo sila. Isang buwan na. Isang buwan ko na ring sinasabing simpleng infatuation lang ang lahat pero parang hindi na iyon ganoon. Madalas kong pagmuni-munihan si Gaara. Madalas kong isipin kung posible ba talagang maging kami. Hindi na rin ako masyadong nagkukuwento kay Mama o kay Line. Idinadahilan ko na lang na through chats na lang kami nag-uusap dahil busy ako sa school kuno. Linggo ng umaga ngayon. “Magkikita ba kayo ni Doc?” Pumaling ang aking ulo sa nagsalitang si Line. Agang-aga ay narito na naman siya sa bahay. Nakasilip siya roon sa pinto ng aking kuwarto, nakabihis siya at mukhang may pupuntahan. Agad akong umiling. “Hindi. Sisimba ako. Sama ka?” Pumasok siya loob, dahan-dahan. Aniya, “Talaga?” Ngumuso siya. “Hindi ako makakasama ngayon. May project kaming kailangang tapusin. Baka mamayang hapon na lang kami sumimba ni Mama.” Tumango ako bago ko isinukbit iyong sling bag. Pag-angat ng ulo ko upang tingnan siya ulit ay nakita kong nakangiti siya nang malapad. “Para kang tanga. Ano yan? Bakit ka nakangiti?” puna ko. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. Pati ako ay biglang na-conscious sa sarili ko. “Mukha kasi kayong magkikita ni Doc. Ang ganda ng suot mo.” Naka-long sleeve dress lang naman ako na kulay itim na may puting collar at nakaputing sapatos, ano’ng maganda doon? “Malisyosa ka kamo,” sabi ko sabay irap sa kaniya. Tumawa siya. “Basta balitaan mo ako agad kapag naging kayo na. Ililibre kita ng dalawang balot na siomai kapag nangyari iyon,” siglang-siglang sabi niya. “Baliw.” “Sige na, aalis na ako. Ingat ka,” paalam niya bago tumalikod palabas ng aking kuwarto. “Mag-ingat ka rin.” Bumuntong-hininga na lamang ako bago muling pinasadahan ng tingin ang aking sarili sa salamin. Kalauna’y ngumiti ako dahil pansin kong para kaming magkapatid ni Line. Parehas na kami halos ng katawan, hindi man ganoong ka-sexy pero may curve naman. Hanggang balikat ang itim niyang buhok at ilang pulgada lang ang haba ng akin sa kaniya. Halos magkasingtangkad na rin kami. Cute siya, maganda ako. “Inay Monet?” Paglabas ko ng aking kuwarto ay nakita ko siyang nanonood ng TV sa sala. Kumunot ang noo niya kaya natawa ako. “Ang bantot. Inay Monet?” taas-kilay niyang tanong sa akin. “Mama,” pagbawi ko, “sisimba ako. Sama kayo?” Ibinaba niya iyong remote saka ako maiging tiningnan. Aniya, “Mamaya na akong hapon. Sasabay ako kina Tita Mona mo at kay Line.” Tumango na lamang ako saka ngumiti. “Calli, ipagdasal mo.” Maglalakad na sana ako palabas ng bahay nang sabihin iyon ni Mama kaya napalingon ako pabalik. “Alin po?” “Hindi alin. Sino,” aniya. “Iyong taong para sa iyo. Kung sino man siya.” “Hay naku, Ma! Sige na po, aalis na ako!” Agad na akong lumabas kasi bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. Bahagya pa akong napapitlag nang tumunog ang aking cellphone sa loob ng aking bag. Agad ko iyong kinuha at nang makitang si Doc. Gaara iyon ay napangiti ako. “Calli?” “Yes, Doc. Manyak?” “Calli, kailan mo ba ititigil iyang pagtawag mo ng manyak sa akin?” reklamo niya sa kabilang linya. “Kapag hindi ka na kumakalikot ng pempem ng kung sinu-sino roon sa hospital!” “Ang bastos ng bunganga mo.” Napabungisngis naman ako matapos kong marinig ang naiirita niyang boses. “Bakit ka napatawag?” tanong ko. “I will not be at the hospital for the whole day.” Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa narinig ko. Sagot ko, “So? As if namang hahanapin kita kapag wala ka?” “Glad to hear that.” Sumakay ako ng tricycle na mabigat ang dibdib matapos ma-end ang call. Parang nabagabag ako lalo. Mataas na ang araw dahil pasado alas nueve na ng umaga. Papasok na sana ako sa loob ng simbahan para magsimba nang makita kong magsisimula na ang isang kasalan. Hindi ako tumuloy, bagkus ay pinanood ko iyong mga tao sa labas ng pinto ng simbahan. “Kailan kaya ako ikakasal?” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa bride na nasa labas ng simbahan. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon. Pero pakiramdam ko, gustong-gusto ko maranasan iyon. May suot na maganda at puting gown at may lalaki sa aking tabi na makakasama ko habambuhay. Ang corny pala talaga magmamahal. Kulay maroon ang central theme ng kasuotan ng mga abay, isa sa mga paborito kong kulay. Nawala lang ang atensyon ko sa bride nang may humahangos na mamahaling motor ang biglang huminto sa harap ng simbahan. Agaw pansin iyon. Nakasuot ang lalaking rider niyon ng isang barong na katulad niyong sa mga abay na lalaki at sa tantiya ko’y kasintangkad niya si Gaara. Nang alisin nito ang suot niyang helmet ay namilog ang aking mga mata. “Gaara?” pagbanggit ko sa kaniyang pangalan. Halos mapaurong ako sa kinatatayuan ko dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Si Gaara ba iyong groom? Wala akong ibang naisip kung hindi iyon lang. Bakit siya naroon? Hindi ako kalayuan sa b****a ng simbahan kaya mabilis rin akong napansin ni Gaara mula sa kinatatayuan ko. Agad naman siyang lumapit sa akin. “Calli? Ano’ng ginagawa mo rito?” bungad niya sa akin. Sa halip na sagutin ang kaniyang tanong ay isang malakas na hampas sa braso ang ibinigay ko sa kaniya. “Ikaw ba iyong groom? Akala ko ba wala kang girlfriend? Bakit ka narito? Ikakasal ka na pala, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?” sigaw ko sa kaniya. Halos maluha ako sa harap niya at parang bata na pinaghihila ko ang damit niya. Alam kong agaw-pansin ako pero mas mahalaga sa aking ang malaman kung ano ang ginagawa ni Gaara sa kasalan na ito! “What? Wait!” usal niya sabay hawak sa magkabilang balikat ko para pakalmahin ako. “Calli, what are you saying?” “Sagutin mo ako!” asik ko pa sa kaniya. “Ikaw ba ang groom sa kasal na iyan?” Nalukot ang mukha niya dahil sa reaksyon ko. Tugon niya, “Calli, calm down! I’m not going to get married! I’m here as a best man, okay? It’s... it’s my cousin’s wedding.” Tila naudlot naman ang pagpatak ng aking luha dahil sa sinabi niya. Muli akong nabuhayan at dahil doo’y niyakap ko siya. “Calli? Why are you crying?” tanong niya kaya kumalas rin agad ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. “I thought you’re getting married kaya ka narito,” natatawa-tawa kong sambit habang nagpupunas ng luha. “Nabuhayan ako kasi gusto kita, Gaara. I like you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD