Tahimik lang kaming dalawa habang paulit-ulit na nagvi-vibrate iyong phone sa ibabaw ng mesa. Mula sa speaker ay tuloy pa rin iyong mahinang jazz music pero parang mas naging mabigat iyong atmosphere sa pagitan namin. Mabilis na napalayo nang bahagya si Chadri habang nakatingin sa screen ng cellphone niya. At nakakainis dahil agad bumalik sa isip ko iyong nakita ko noong event. Iyong babaeng nakasuot ng fitted white dress. Iyong natural nilang pag-uusap. Iyong mga staff na kinikilig habang pinag-uusapan siya. “Single ba talaga si Mr. Kuznetsov?” “And sweet.” Napabuntong-hininga ako nang mahina saka mabilis na tumayo mula sa couch. “I should go.” Agad napatingin sa akin si Chadri. “Calli—” “It’s late.” Mabilis kong inayos iyong bag ko habang pilit hindi tinitingnan iyong cellph

