Mas tahimik ang buong subdivision pagsapit ng Huwebes. Mula sa terrace namin ay tanaw ko iyong mapusyaw na orange na langit habang palubog na iyong araw. Paminsan-minsan ay may dumadaang traysikel sa labas habang iyong ilang kapitbahay nama’y nagsisimula nang maglabas ng mga upuan sa harap ng bahay para magkuwentuhan. Pero sa loob ng bahay namin ay medyo mabigat iyong atmosphere. “Anak, siguraduhin mong naka-separate iyong white shirts ko,” sambit ni Papa habang inaayos iyong malaking maleta sa sala. “Opo,” sagot ko habang tiklop-tiklop iyong mga polo niya. Mamayang gabi na kasi iyong flight niya pabalik ng Saudi. At kahit ilang beses na nangyayari iyon simula pagkabata ko— hindi pa rin talaga ako nasasanay. Maya-maya pa ay pumasok si Mama mula kusina habang may dalang tape at ilan

