Maingay iyong buong bahay namin pagsapit ng alas-nuwebe ng gabi. Nakabukas iyong TV sa sala habang si Tita Lily nama’y abala pa rin sa pakikipagkuwentuhan kay Mama kahit ilang beses nang sinasabing kailangan na naming bumiyahe papuntang airport. “Monet, sinabi ko na sa’yo. Kapag may poging flight attendant doon, ikukuha kita picture,” biro ni Tita Lily dahilan para mapailing si Mama. “Lily naman.” “Eh baka sakaling sumama ka na rin sa Saudi.” “Tita,” natatawang sabat ko habang inaayos iyong zipper ng hand-carry ni Papa. Sa kabilang side naman ng sala ay nagtatawanan sina Morris at Papa habang pinag-uusapan iyong buhay abroad. “Mahirap sa umpisa,” sambit ni Papa habang nakasandal sa couch. “Pero mas mahirap kapag wala kang choice.” Bahagyang natahimik iyong paligid matapos no’n. Ka

