Umuwi ako sa Pilipinas matapos ang tatlong araw. Bukod sa maayos naman si Lola Yumi ay kailangan na rin kasi ako sa aking trabaho. Hindi ko na rin nahintay pa si Lolo Geunsoo kaya binati ko na lamang siya gamit ang video call bago tuluyang umuwi. “Sino ‘to, Calli? Boyfriend mo?” tanong ni Line habang pinanonood ang mga larawan sa camera. Ipinakita niya sa akin ang larawan namin ni Chadri roon sa footbridge na ang background ay ang Namsan Tower. Mayamaya pa ay pinusod ko ang aking buhok dahil sa init na nararamdaman ko. Marahil ay dahil sa pagtakbo ko kanina. “That’s better. Mas kita ang maganda mong mukha,” aniya at doon ay kinuhanan na naman niya ako ng litrato matapos kong puyurin ang aking hahanggang balikat na buhok. “Masyadong lapastangan ang iyong bibig. Huwag mo na akong bolah

