“Do you want me to return the kiss?”
It was I guess a very bad question for my fragile heart. The heck.
Nang dahil din sa tanong na iyon ay napatigil ako sa aking paglakad. Ganoon din naman siya. Saglit ko pa siyang tinitigan bago ako nagsalita.
It was one of the famous cliché and old line, but that definitely wouldn’t fail to make ones heart go wild.
Sa totoo lang naman ay hindi na bago sa akin ang halik pero hindi ko maintindihan kung bakit akala mo ay first time ko iyong narinig dahil sa kabog ng aking dibdib.
Nang mapangtanto kong kalandian ang gusto niyang mangyari ay agad na napataas ang aking kilay.
“Siraulo ka ba?” bulalas ko.
Seryoso niya naman akong tinitigan. Pero hindi pa man iyon umaabot ng sampung segundo ay bigla siyang humaglpak nang tawa sa aking harapan. Daig ko pa ang nadulas sa tae ng kalabaw dahil sa pagbungisngs niya. Nalaglag ang panga ko sa pagtataka at kawirduhan niya.
He was laughing his ass hard, and I couldn’t believe it.
“Siraulo nga. Bahala ka nga,” iritado kong sabi bago ako muling naglakad.
One, two—.
“Calli, wait!” sigaw niya habang patuloy sa pagtawa. “Calli, hey! Wait!”
Great!
Naitikwas ko na lamang ang aking nguso habang naiinis na naglalakad. Parang hindi ko kakayanin ang kulit niya kung sakaling katulad niya ang magiging asawa ko.
Speaking of asawa. No, I still couldn’t see myself having a husband. Lalo pa ngayon na nakita ko na nang ilang beses ang iisang kulay ng mga lalaki? No way.
“Calli!” tawag niya habang patuloy na natatawa.
Muling umikot ang aking mga mata. Iyong tipong seryoso ka tapos tatawanan ka niya sa huli? Baka makakuha siya ng ibang abogado na lalaban sa akin sa korte kung sakaling maging battered husband ko siya.
“Calli—”
Punyemas!
Iba rin talaga ang nagagawa ng lakas ng lalaki, ano? Puwede naman sanang tawagin na lang niya ako pero sa ginawa niyang paghigit sa aking baywang paharap sa kaniya ay hindi na naman iyon kinakaya ng aking puso na walang nang ibang ginawa kung hindi bumilis sa pagtibok.
Nakatuon ang dalawang kong kamay sa parteng dibdib niya bilang suporta upang hindi kami magdikit lalo. Habang hawak ng kaliwang kamay niya iyong camera at sa baywang ko ang kaniyang kanan ay nakipagtitigan siya sa akin. Kitang-kita ko ang pagkawala ng kaniyang ngiti sa labi dahil napalitan iyon ng seryoso niyang hitsura.
“You know, I never liked it when someone ignores me,” aniya na nakapagbigay ng kilabot sa buo kong katawan.
Ang talim ng titig niya sa akin ay dahilan upang mapalunok ako ng sarili kong laway. Para siyang sinapian bigla.
“Teka naman,” nauutal kong sabi. “Bakit bigla ka yatang nagseryoso riyan? Ano ba’ng kailangan mo?”
Dahan-dahan naman niya akong binitiwan bago napailing.
Sabi niya, “Ano’ng problema? Tinatanong kita kanina pa.”
Napakurap ako. “Problema? Wala naman,” mabilis kong patanggi sabay iwas ng tingin sa kaniya.
Palihim pa akong humugot ng isang malalim na paghinga upang pakalmahin ang aking sarili.
“Galit ka ba?” tanong niya.
Sa halip na sagutin ay tinalikuran ko siya. Naiinis ako.
“Calli—”
Agad na naputol ang pagtawag niya sa akin nang muli ko siyang harapin.
“Alam mo, dapat nga magalit ako dahil sa ginawa mo kaso,” sumimangot ako, “hindi. Hindi ko rin alam kung bakit.”
He was stunned.
“A-ano? Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Ah. Wala, wala. Never mind,” sabi ko saka ako tumakbo paakyat sa footbridge at iniwanan siyang nakanganga roon sa baba.
Honestly speaking, naiinis ako. Naiinis ako dahil hindi ako galit sa kaniya. I was supposedly mad at him because of the kiss that he stole from me, pero hindi. Dang heart!
“H-hey, Calli! Watch your steps!”
Makalipas ang labinlimang minutong paglalakad ay narito na kami ngayon sa footbridge sa Noksapyeong kung saan kitang-kita ang Namsan Tower.
“Here,” sabi ni Chadri nang maabutan na niya ako sabay lahad niya sa akin ng isang face mask. “Iisa na lang iyan. Sa’yo na lang.”
Tiningnan ko siya.
“Malinis iyan,” sabi niya pero hindi ko siya tinugon.
“Look at the tower,” aniya pa sabay turo sa Namsan Tower. Lumingon naman nga ako. “The colors turned yellow. The level of microdust is bad this time, so you should wear mask.”
“Ah,” pagsang-ayon ko sabay kuha niyong face mask na parang hindi ko siya iniiwasan kanina. “Paano ka?”
Ngumisi siya saka sinabing, “It won’t kill me, Calli.”
Napatikwas na lang aking nguso dahil sa kaniyang kayabangan saka ko isinuot ang mask.
“The kiss—”
“Don’t ask,” agad na putol ko sa kaniyang sasabihin.
“Are you mad—”
“I’m not. Just don’t ask.”
“What do you do for a job?” bigla niyang tanong kaya binalingan ko siya ng tingin.
Nakita ko siyang abala doon sa camera at kung anu-ano ang kaniyang pinipindot.
“I’m a lawyer,” sabi ko.
“That’s cool.”
Bahagya akong napangiti. “Ikaw?”
“Ha?” bahagya niya akong nilingon. “Ah, I work as a fund manager sa isang company sa Russia.”
“Mas cool ‘yon. Mapera ka siguro,” casual na sabi ko.
“I admit,” natatawa naman niyang sagot.
Mayamaya pa ay pinusod ko ang aking buhok dahil sa init na nararamdaman ko. Marahil ay dahil sa pagtakbo ko kanina.
“That’s better. Mas kita ang maganda mong mukha,” aniya at doon ay kinuhanan na naman niya ako ng litrato matapos kong puyurin ang aking hahanggang balikat na buhok.
“Masyadong lapastangan ang iyong bibig. Huwag mo na akong bolahin,” sabi ko at inirapan siya.
“Come here. Let’s take a picture together,” sambit niya saka niya ako hinila sa kaniyang tabi. Hindi na ako nakaangal pa dahil agad niya akong inakbayan.
For me, it was an unusual yet memorable night in Itaewon with a stranger named Chadri.