Hindi ko alam kung ano’ng klaseng kababalaghan na naman ang sumapi sa akin at ang mga sulok ng aking labi ay nakakurba. I didn’t expect that I would be smiling from ear to ear because of Chadri.
Parang simula nang matuto akong mag-entertain ng lalaki ay napag-alaman ko sa sarili kong kabilang pala ako sa samahan ng mga marurupok at madaling mauto.
Tumingin ako sa paligid ko habang hindi pa ulit nagsisimula ang huling round ng laro. Lahat sila, masaya. Maingay sa loob at kani-kaniyang cheer para sa mga partners sila. Partner na wala naman talaga ako. Gawa-gawa rin talaga itong kanong ito!
Kahit nakakainis na pinilit ni Chadri na sumali kami sa palarong ito ay hindi ko rin naman maitanggi at maiwasang hindi maging masaya. Parang na-refresh ako sa ingay at saya rito.
Mayamaya’y sinulyapan ko naman si Chadri.
“Calli, focus!” natatawa-tawang sabi niya sa akin na naghahanda na para sa huling tanong.
Nag-thumbs up pa siya sa akin sabay kindat na akala mo naman ay ikinaguwapo niya. Umirap ako kaya mas lalo lang siyang natawa.
Sa totoo lang, ang gaan niyang kasama. Siya iyong tipo na gagawin ang lahat para hindi ka ma-awkward sa kaniya. Sa sobrang gaan niyang kasama, ang sarap niyang sipain dahil sa trip niyang idinamay ako.
“Calli, don’t be nervous!” sigaw pa niya. Binigyan ko lang siya ng isang pilit na ngiti bago ako tumalikod sa kaniya.
Tiebreaker na lamang ito at kung sino ang couple na unang makakahula ay ang siyang tatanghaling panalo. Sa pagkakataong iyon ay tinanggap ko muna pansamantala na couple nga kami ni Chadri.
Pasimple kong sinilip iyong babaeng kalaban ko. Koreana siya tapos iyong boyfriend niya, mukhang American. Hay! Kailangan kong manalo para hindi sayang ang pagkembot ko!
“Wow! These two couples are really amazing! Goodluck,” halos humihiyaw na sabi niyong may-ari ng shop.
Just as the crew showed us the last word to be guessed by the guys, the owner shouted, “Go!”
Butterfly ang ang huling salitang pahuhulaan, ang pangalan ng cafe. Kahit bahagya pa rin akong nahihiya ay binilisan ko na lamang sa pagkembot ng mga letra.
“B?” rinig kong sigaw ni Chadri.
Infairness naman sa kapartner ko, magaling. Dahil doon ay abot-abot ang ngiti ko.
“Butterfly? Butterfly!” Boses iyon ni Chadri na siyang unang nagsigaw ng tamang sagot.
Awtomatiko rin akong napatalon sa saya nang marinig naming kami ang nauna sa paghula at nanalo sa palaro. Nang lingunin ko si Chadri ay nakita kong malapad ang kaniyang ngiti habang tumatakbo na siya papalapit sa akin.
Walang slow motion na naganap sa paningin ko sa pagtakbong ginawa ni Chadri palapit sa akin, pero racing ng puso, mayroon. Iyong puso ko, tumatalandi na naman. Puwede naman sanang kumalma lang sa pagtibok pero hindi ko alam kung bakit ganito na naman.
Pero hindi ko na iyon pinansin pa.
“You did it, Chadri!” masaya kong bati sa kaniya na parang hindi ako naiinis kanina.
“No,” aniya saka ako niyakap. Muli ay nagulat ako sa kaniyang inasta. Dagdag pa niya, “We did it, Calli. Ang galing mo!”
Pakiramdam ko’y bigla akong namula dahil sa ginawa niya. Parang kanina lang ay halos isumpa ko siya tapos ngayon ay hindi ko man lamang siya magawang itulak palayo dahil sa pagiging feeling close niya.
“How sweet!”
Dahil sa narinig naming iyon ay napabitiw si Chadri sa pagkakayakap sa akin sabay kamot sa ulo niya. Bigla yata siyang nahiya ngayon nang mapuna kami ng babaeng owner nitong cafe.
“Sorry,” bulong niya sabay ngiti sa akin.
Napakurap naman ako sa ngiti niya. “Okay lang...”
“Alright! As promised, the winners will receive a brand new Leica camera, and obviously, this couple made it! But as a twist before they could be able to get the prize,” the owner said. Just as she looked at us with her suspicious smile, she added, “the winners should kiss!”
“Kiss! Kiss! Kiss!” everyone shouted in unison.
“A-ano?” namimilog na mga matang bulalas ko habang nakatingin sa owner ng cafe.
Hindi naman sa nag-iinarte ako. Pero baka kasi kapag pumayag ako, magustuhan ko na naman. Tapos ano? Joke na naman? Halos tumalsik na yata ang ulo sa pag-iling.
“Kiss? No way! Hindi—”
Naputol ang sasabihin ko nang pagharap ko kay Chadri ay saktong nagtama ang aming mga labi. Dahilan iyon para lalong mamilog ang aking mga mata sa gulat at kaba.
Hindi ko alam. Sobrang bilis na naman ng t***k ng puso ko na parang tumakbo ako ng pagkabilis-bilis.
“Don’t blame me,” nakangising sabi ni Chadri nang lumayo ako sa kaniya.
“E, bakit kasi ang lapit mo?” Minulagaan ko siya.
“Bakit ka ba humarap?”
“Sinadya mo iyon!” namimilog na mga matang singhal ko pa.
“Wala akong ginawa, Calli.”
“Maharot ka!”
“Para sa camera,” aniya sabay peace sign.
Letse, walang lusot sa talipandas na ito! Binigyan ko na lamang siya ng isang pamatay na tingin bago napalingon sa nagsalita sa unahan.
“They’re really adorable, right? Like butterflies, they are beautiful. Anyway, congratulations couple!”
Napahawak ako sa aking labi. Tila dumikit sa labi ko ang malambot na pakiramdam habang nakadampi ang labi niya sa akin kanina. Hay! Kung puwede lang sanang magpa-lip transplant, ginawa ko. Iyong walang pakiramdam kapag nahahalikan!
Hindi roon natapos ang gabi ko kasama si Chadri. Habang dala niya ang camera ay sabay kaming lumabas ng cafe na iyon.
“Whoa! This is really amazing!” sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Abala ako sa tumatakbo sa aking utak. “I used to have a camera in Moscow. Past time ko kapag free time sa trabaho. But I ended up breaking it with my own hands dahil sa isang problema. Alam mo, Calli... Calli?”
Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit hindi ako maka-get over sa halik na iyon? Hindi naman iyon ang una kong halik pero ang lakas ng epekto sa akin gayong estranghero lamang naman siya. Dapat galit ako, pero bakit hindi?
“Hay, Calli! Ano ba? Magalit ka naman!” naiinis na bulong ko sa aking sarili habang naglalakad sa unahan ni Chadri.
Kinurot ko ang aking pisngi.
“Calli? Hey, Calli? Calli, are you listening?”
“Ha?” tugon ko habang hinihimas ang aking pisngi.
Kasabay niyon ang pagtunog ng camera. Kinuhanan niya pala ako ng litrato kaya napasimangot ako agad. Panigurado kasing nakanganga ako roon.
Sinamaan ko siya nang tingin. “Delete it, Chadri.”
“Why? It’s so cute,” nakangiting sabi niya. “So no.”
Hindi man lamang niya ako tinapunan nang tingin dahil abala siya sa pagkalikot niyong camera. Hindi na lang ako nagsalita at nagdiretso na lang sa paglakad.
Bakit parang wala lang sa kaniya iyong halik? Bakit ako lang ang affected? Saka bakit ba kasi ako affected?
“Nakakainis!” ipit-boses pang sabi ko.
“Bakit ang tahimik mo?” tanong bigla niya. Bahagya siyang tumakbo para sumabay sa akin sa paglakad.
“A, wala lang,” palusot ko nang hindi siya nililingon.
“Are you mad?”
Hindi ako nagsalita. Napakagat din ako sa aking labi. Hindi ko kasi mawari kung ano ang dapat kong isagot sa kaniya niyong mga sandaling iyon.
“What’s wrong?” Mayamaya’y narining ko siyang bumuntong-hininga nang hindi ko siya sinagot sabay sabing, “Do you want me to return the kiss?”