“Sinabi niya na pupunta rito ang apo niya at kung may pagkakataon ay gusto niyang ligawan kita.”
“A-ano?” bulalas ko.
Nangunot ang noo ko dahil sa bilis ng bibig niya ay hindi ko agad makain ang lahat ng kaniyang sinabi.
“Aray...”
“Don’t move. I’m not finished yet,” saway niya habang marahan na binabalutan ng band-aid ang aking daliri.
“H-huwag kang makikinig kay Lola. Nagbibiro lang ‘yon,” sabi ko. “Matanda na si Lola. Ganoon talaga, mahilig magbiro.”
Ngumiti lang siya pagkatapos kong sabihin iyon. Hindi ko alam kung anong iniisip niya kaya hinintay ko na lamang siyang bitiwan ang aking kamay. Nang matapos nga siya ay hindi ko inasahan ang kaniyang sunod na sinabi.
“Will you marry me?”
Seryoso ang kaniyang mukha habang hawak ang kamay ko. Ilang segundo kaming nagkatitigan sa isa’t isa at nang matauhan ako ay agad kong binawi mula sa kaniya ang aking kamay.
“Anong sinasabi mo? Baliw ka ba?” bulyaw ko sa kaniya habang nanlalaki ang aking mga mata. “Band-aid naman iyong inilagay mo sa aking daliri at hindi singsing! Anong will you marry me sa sinasabi mo?”
Napanganga na lang ako nang bigla siyang tumawa. Tawang-tawa siya sa harapan ko. Doon ko na lang napansin ang paglabas ng malalim na dimple niya sa kaniyang kanang pisngi.
Napasimangot ako
“Hoy! Bakit ka ba tumatawa? Ano’ng nakakatawa? Pinagtatawanan mo ba ako?” naiinis kong litanya hahang kunot na kunot ang aking noo.
Tumigil naman siya sa kaniyang pagtawa saka niya ako nginitian. Sabi niya, “You’re cute.”
“A-ano?”
Ngumisi siya bigla. “I just tried Sarawat’s line from 2gether series, a Thai BL series kung alam mo iyon. Parehas lang kayo ng reaction ni Tine sa band-aid thing.”
“Letse! Teka, bakla ka ba?” Kusa iyong lumabas sa aking bibig.
“What?” gulat niyang sambit. “Ako? Bakla? No way, Calli! I just watched it dahil nagtataka ako kung anong mayroon kay Sarawat na wala sa akin. Many girls have a crush on him, and I just couldn’t understand why.”
Napaismid naman ako sa sinabi niya. Pinagkrus ko ang aking mga braso saka siya tinaasan ng kilay.
“Ang hangin mo. Crush ko rin ‘yon. Saka isa pa, gwapo ‘yon. Ikaw...” Napatigil ako nang mapatingin ako sa mukha niya.
“Ako rin naman gwapo,” sabi niya sa mapang-asar na tono, “pero hindi guwapo ang hanap ko hindi katulad ng Sarawat mo.”
Pinagkataasan ko pa siya lalo ng kilay saka ko sinabing, “Hoy! Trabaho lang nila ‘yon pero hindi siya bakla! Saka huwag kang assuming! Huwag mo na ring uulitin iyon! Hindi bagay sa iyo ang line ni Sarawat!”
“Really?” pang-aasar pa niya. “Kinilig ka naman, e.”
“Ano? Napaka—”
“Anyway,” pagputol niya sa sasabihin ko saka namulsa. Napakabastos.
“O, ano na naman?”
“I’m sorry if I inconvenienced you a while ago. I should’ve been more responsible.”
Tumahimik ako saglit saka siya pinagmasdan. Tinatantiya ko kasi kung nagbibiro na naman siya.
“Sus,” ungot ko. “Okay lang. Nangyari na, e.”
Mayamaya’y bumuntong-hininga siya saka tumingin sa suot niyang relo.
“Are you done eating?” tanong niya saka sinilip ang paubos ng Bulgogi sa plato ko. Napalingon rin ako roon saka tumango.
“Oo. Tinamad na rin akong kumain ng mansanas,” sagot ko. “Teka, ‘di ba taga taas ka? Umuwi ka na. Mukha namang wala na ring tama iyong alak sa iyo, e. Matutulog na ako—”
“W-wait.” Lalakad na sana ako patungo sa kwarto ko nang pigilan niya ako.
Hawak niya ang braso ko kaya awtomatiko akong napatingin doon. Tiningnan ko rin siya agad pagkatapos. “Bakit?” tanong ko. “Ikaw ha, masyado kang komportable sa pagkausap sa akin. Pinapaalala ko lang, hindi tayo magkakilala.”
“But I know your name,” kibit-balikat niyang sabi.
Bahagyang napaawang ang aking bibig. Namaywang ako’t tinaasan siya ng kilay.
“I know yours, too,” sabi ko at doo’y sumilay na naman ang mga ngiti sa kaniyang labi.
“Edi magkakilala na pala tayo,” aniya.
Umirap ako. Hindi pa man ako nakakahakbang paalis ay muli na naman niya akong tinawag.
“Calli, wait...”
“Ano na naman?” singhal ko.
Muli siyang tumingin sa kaniyang relo bago nagsalita. Sabi niya, “Inaantok ka na ba? Maaga pa naman para matulog, e.”
“O, tapos? Bakit ba kasi?”
Napakamot siya sa kaniyang ulo. “You see, we’re here in Itaewon. Would you like to take a walk outside,” ngumiti siya, “with me?”
Sa buong buhay ko ay ngayon lang may nagyaya sa akin para lang maglakad sa labas ng dis oras na ng gabi. Sa mga sandaling iyon ay hindi ko namalayan na napangiti na rin ako dahil sa kaniyang sinabi.
Sa huli ay pumayag ako na lumabas kasama siya matapos ang ilang beses pa niyang pangungulit. Sigurado naman akong hindi na rin magigising si Lola dahil bago kami lumabas ni Chadri ay sinilip ko siya sa loob ng kaniyang kuwarto at mahimbing na ang kaniyang tulog doon.
“There’s a new opened cafe down the hill. Would you like to check it?” tanong niya habang pababa kami ng hagdan.
“Safe ka bang kasama?”
Napatitig siya sa akin dahil sa tanong kong iyon.
Ngumiti siya. “Sounds like my trust issues ka.”
“Sino ba’ng wala?” sabi ko. “But yes, sure. Basta libre mo, e,” sabi ko pa at pagkakuwa’y napayakap ako sa aking sarili. Medyo malamig at hindi naman ganoong kakapal ang aking suot na fitted long sleeves.
“Sure. And you should’ve layer yourself up. It’s kinda cold,” aniya kasabay nang paglalagay niya ng kaniyang leather jacket sa akin. Bahagya akong nagulat dahil doon na agad naman niyang napansin. “Why?” tanong niya. “Masyado ba akong sweet?”
Agad akong napabuga ng hangin dahil sa kaniyang sinabi. “Hoy, tumigil ka! Sino ba’ng may sabing ibigay mo sa akin ‘tong jacket mo?” singhal ko at ibinato pabalik sa kaniya ang jacket. Dagdag ko, “Napakahangin mo talaga! Ang baho naman, e, amoy alak!”
Bumungisngis lamang siya kaya nagmadali ako sa paglakad.
“Calli, wait! I’m just kidding!”
“Tse!”
The streets in Itaewon were filled with different colors. Isama mo pa ang foreign-friendly nitong atmosphere. Maganda. Kahit malalim na ang gabi ay marami pa rin ang na sa labas at nagsasaya.
We walked for almost fifteen minutes before we reached the new opened cafe. Nang makapasok na kami sa loob ay sinalubong kami ng dalawang Korean usherette.
“Annyeonghaseyo,” Hello, bati nila. “Welcome to Butterfly Cafe. You’re the last lucky couple to play and have a chance to win a brand new Leica camera.”
“Leica camera? Whoa,” namamanghang sabi ni Chadri. “Jinjjayo? Bissajyo?” Really? It is expensive, right?
“Keopeuliradu haesseo?” Did you say couple? tanong ko sa kanila.
“Ne,” Yes, nakangiti nilang sabi. “Neo jasineul dowajuseyo. Jeulkeseyo!” Help yourselves. Enjoy!
Tutuloy na sana sa paglakad si Chadri pero pinigilan ko siya. “Chamsimanyo,” Just a minute, sabi ko saka nag-bow sa kanila. Hinila ko si Chadri sa isang tabi saka pinanlisikan ng mga mata.
“Mwohaneun geoya? Neo michyeosseo?” What are you doing? Are you insane? bulyaw ko sa kaniya.
“Ang liit na nga niyang mga mata mo, pinaliliit mo pa lalo,” aniya saka niya ako tiningnan nang nakakaloko. “Why are you suddenly talking to me in Korean?” nakangiti pa niyang tanong.
“Baliw ka ba? Hindi tayo magjowa! Umalis na tayo rito! Tara na sa—”
“Ani,” No, pagputol niya sa aking sasabihin saka niya hinawakan ang aking kamay. “We can be couple right this instant. Just go with the flow, Calli. Sayang ‘yong camera,” dagdag pa niya saka pinisil ang aking kamay.
Napasinghap ako dahil doon. Ang kapal ng mukha niya! Magsasalita pa lamang sana ulit ako nang hilahin na niya ako nang tuluyan sa loob.
“Kaja,” Let’s go, sabi pa niya.
“Chadri, ano ka ba?”
“Ppaliwa,” Faster!
At doon nagsimula ang nakakahiyang gabi ko.
Halos lahat ng costumer sa Butterfly Cafe ngayon ay foreigners at lahat sila ay tuwang-tuwa maliban sa akin. Ayaw ko man ngunit sadyang mapilit si Chadri.
Sino ba namang hindi maiinis kung nakakasira ng poise ang palaro? Lahat ng babae ay kailangang ikembot ang salitang may kinalaman sa pagkain at ang mga lalaki naman ang huhula sa salitang iyon. Isa pa, kami ni Chadri magjowa? Instant? Napairap ako sa ideyang iyon. Pero kung sabagay, maliit na bagay lamang ang pagkembot para sa four hundred thousand peso-worth camera na premyo roon.